Nag-aya ang tropa, pero bakit may saling pusa?
Malakas akong uminom ng alak, pero nang laklakin ng babaeng 'yon ang beer ng isang lagukan wala akong nagawa kundi tumanga. Hindi nga siya normal dahil siya pa mismo ang umubos ng isang case kahit wala man lang ambag. Ang kapal. Ang daming birada sa tuwing ako na ang magsasalita, puro tawa kapag nakikita akong napipikon sa kanya.
Tumataas na ang kaibigan ko ng kandungan ako ng isang babae habang umiinom ako ng beer. Handa na sa laban, mas lalo lang nagigising dahil sa maselang pag-ungol niya kahit wala pa naman akong ginagawa. Ano kaya kapag meron na?
Pero walangya, may papansing nambato ng pulutan sa amin. Sino pa ba edi si tigreng de pusa. Ang sama ng tingin, parang gusto kaming sakmalin kaya itinigil ko na.
Sa gabing 'yon para na naman siyang matapang na tigre na dapat amuhin. Mura roon, mura dito. Iniwan sa'kin ng tropa ang walanghiyang babae na feeling close kahit na landing-landi na ako sa mga babaeng naghihintay sa'kin. Nasaan na naman ba 'yung tetra juice na boyfriend niya at bakit hinayaan na namang makawala sa kulungan?!
Hinayaan ko na lang lalo na nang bigla na lang siyang humagulgol nang pagkalakas-lakas. Malayong malayo ang itsura niya sa tuwing nangwawalang hiya siya ng tao.
Nanghina rin ako. Sinamahan ko siyang sumandal sa malamig na dingding habang nakatingin sa madilim na kalsada.
Kahit walang sabihin, parang naiintindihan na namin ang isa't-isa.
Parehas pala kaming gustong malasing para makalimot. . .parehas lang kaming malungkot.
Wala na akong nagawa kundi tahimik siyang sabayan sa pag-iyak sa tanginang mundo na walang takot.
Ç
BINABASA MO ANG
Pushing Fall
RomanceEpistolaryo: Pana-panahon (Ikalawang Serye) Ç - papalit-palit ng babaeng tinitignan, mahilig magsulat ng bawat pangyayari sa lukot na patapong papel. Bukod sa ballpen, at papel gusto niya ng atensyon, pero hindi niya nagugustuhan kung paano siya ti...