Janus:
Nasaan ka?
Fallera:
Gara
Ganda ng typings pare, ah
Porket artista na hahahahahah, napakinggan ko new album niyo ang sakit niyo, ha bakit ganun lyrics?
Nananakit na naman kayo ilang taon na, ha
1st Year College drop out palang ako noon tapos ikaw nakarating lang dito nasama ka na sa banda, gara 'di mo man lang ako sinubukang samahan magdusa sa campus ang daya mo talaga kuya
tignan mo tuloy noong 1st Year ako drinop ko agad course ko, 'di na kita kasama eh : (
Janus:
Gaga tamad ka lang tsaka inaano ka ba ng typings ko?
Para maayos tignan. O diba? Gwapo na nga ako, kumpleto pa typings ko.
Ilang years na ang lumipas, nagbago na ba isip mo?
Gusto mo na bang bumalik sa pag-aaral?
Mas maayos kasi kapag nag-aaral ka.
Ayaw mo 'yon masusustentuhan ko na pag-aaral mo 'di na tayo pabigat kay tito Lando. Ikaw lang naman ang hinihintay ko, eh.
Ayaw mo na bang ituloy pag-ka-college mo?
Mas maganda pa ring may matapos kang degree huwag mo na akong gayahin.
Fallera:
Di ko na nga kaya kuya, papahirapan ko lang sarili ko kapag nag-college ako, pero ewan napapaisip din naman ako
Basta, malay mo topakin ako mag-aral ulit pero 'di pa ngayon
Hays, nakakahiya nang tumabi sa'yo
Janus:
Punta ka raw sa concert sabi nila Zuriel at Achazia, hindi ka na raw din nakikita nila kuya mo Trese at Lennox.
Ang galing-galing mong 'di magparamdam, eh.
Fallera:
Miss lang nila ako, eh hahahahahaha
Alam mo ba nung pumunta ako sa 1st gig niyo 6 years ago dumog na dumog banda niyo lalo na bigatin entertainment niyo no'n
Nakakahiyang tawagin kang kuya baka di sila maniwala pota kasi syempre sobrang ganda ko tapos ikaw ganyan ka lang, dimples lang panlaban mo nakakahiya naman sa dalawang members mo na umaapaw sa kagwapuhan
Sungit nila tapos ikaw tamang gago lang
Janus:
Para sabihin ko sa 'yo ako ang pinakababy-face sa mga 'yon dahil ako ang bunso.
Basta sabihin mo lang kung gusto mo na ulit mag-aral, ha?
Fallera:
Ayos pa ako may trabaho nga ako sa bistro may pinagkakaabalahan naman ako
Sana lang sa paparating na concert mo umayos na fangirls niyo.
Janus:
Bakit ba inis na inis ka sa kanila? Haha.
Fallera:
Alam mo bang nakakairita karamihan ng fangirls mo parang tigang lang!
Ano 'yon mukha lang habol hindi kanta niyo?
May narinig nga ako, "Janus tambolin mo rin ako araw araw 'di ako magsasawa basta ikaw ang kumalampag ayos na!"
Tangina, alam ba no'n sinasabi niya?
Janus:
Magulo nga, pero masaya kasi karamihan naman sa kanila gusto ang ginagawa namin.
Ikaw ba?
Pangarap mong maging bokalista diba?
Fallera:
Mema ka
Edi sana sinama mo na lang ako sa banda niyo
Kaso huwag na sira agad career ko dahil sa dami ng katarantaduhan ko, di ako pang public figure
Tsaka baka jowain ko mga ka-grupo mo lalo na sila Trese at Lennox
Maganda lahi, eh
Janus:
Umayos ka nga, di ka na pwede roon. Mga kuya mo na 'yon!
Fallera:
Ito naman 'di mabiro!
Nagda-drama lang talaga ako, layo na nang narating mo, eh
Ako kaya kailan?
Janus:
Di mo malalaman kung 'di mo susubukan.
Suportado naman kita sa kung ano mang gusto mong gawin, basta tama.
Gusto mo bang maging katulad ko?
Fallera:
Ayaw ko nga
Gulo ng mundo mo
Kaya ipupukpok ko sa 'yo drumsticks mo kapag nalaman ng mga fans mo na kapatid mo ako
Ayaw ko nun, di ko kailangan ng atensyon lalo na kung gusto lang nilang makuha ang atensyon mo sa pamamagitan ng paglapit sa'kin kaya iwas-iwasan mong tumingin kung nasaan ako tuwing concert niyo! Para akong papatayin ng fans niyo!
Janus:
Wala akong balak gawin 'yon.
Pero may tanong ako, sino 'yang lalakeng handa mo nang sapakin sa bistro? Kwinelyuhan mo pa.
Bitawan mo, nanginginig na. Susunduin na nga lang kita ganyan pa madadatnan ko.
08:19 p.m
Basagulera ka pa rin hanggang ngayon, Fallera.
BINABASA MO ANG
Pushing Fall
RomanceEpistolaryo: Pana-panahon (Ikalawang Serye) Ç - papalit-palit ng babaeng tinitignan, mahilig magsulat ng bawat pangyayari sa lukot na patapong papel. Bukod sa ballpen, at papel gusto niya ng atensyon, pero hindi niya nagugustuhan kung paano siya ti...