Sa taglagas na dumating sa buhay kong magulo,
Para kang dahon sa lilim na mas lalong magandang tignan kapag sinisikatan ng araw. Siguro isa ka sa mga dahong bumagsak sa lupa, at winawalis na lang dahil parang kalat sa iba. Pero simula nang makilala kita ikaw 'yung tipong kahit malaglag at itapon, kayang-kaya pa ring mabuhay mag-isa. Ganoon ang tingin ko sa'yo, ganoon ka katibay at katapang, Fallera.
Medyo nakakatawa man pakinggan, pero ang sampal mo sa bistro ang dahilan kung bakit ako nahimasmasan sa mga katarantaduhang ginawa ko. Maraming babaeng pampalipas oras, sigarilyong araw-araw na ginagamit bawat oras. Ang gulo ko, lahat ng ayaw mo nasa lalakeng katulad ko. Sumusulat ako ulit sa'yo dahil pinunit mo pa talaga sa harap ng maraming tao ang sulat na pinaghirapan ko. Nasaktan ako, pero ikaw 'yon, eh. Aangal pa ba ako?
Hindi ako palasulat na tao, lektyur nga sa bawat subjects hindi ako nagtetake-notes pero bakit sa'yo ginagawa ko ang ganitong trip na medyo kalumaan at walang patutunguhan? Ah, kasi ito ang isa mga paraan para masabi ko. . .kahit man lang sa sulat ang nararamdaman ko para sa'yo. Ilang beses ko nang sinubukan, pero hindi ka naman naniwala. Akala mo kasi biro ayun pinagtawanan mo lang, pero para sa'kin hindi naging biro ang pagpapahalaga ko sa'yo. Masyado akong nahulog sa'yo napapatanong na lang ako sa sarili ko kung anong klaseng gago ako para magkagusto sa'yo sa kabila ng mga katarantaduhang ginawa ko.
Wala akong balak ibigay sa'yo ang sulat na 'to, mas maayos na ako lang ang may alam sa nararamdaman ko. Hindi ako humihingi ng kahit anong kapalit. . .kasiyahan mo na lang siguro. . . ayos na ako sa ganun.
Nasasayangan ako sa distansyang meron tayo na biglang nawala, naging masaya ako sa ilang linggong pagkakaibigan na 'yon.
Ilang beses ko nang sinabi at inulit, Mahal kita.
Sana sa pipiliin mong pagbagsakan sana makahanap ka ng pagmamahal at taong totoong mamahalin ka ng walang labis at walang kulang.
Ç
BINABASA MO ANG
Pushing Fall
RomanceEpistolaryo: Pana-panahon (Ikalawang Serye) Ç - papalit-palit ng babaeng tinitignan, mahilig magsulat ng bawat pangyayari sa lukot na patapong papel. Bukod sa ballpen, at papel gusto niya ng atensyon, pero hindi niya nagugustuhan kung paano siya ti...