Para akong nakalutang ng makita ko si Fallera na dumaan sa may tapat ng room. Imbes na sagutan ang test paper bigla kong nailagay ang pangalan niya pati na rin ang apelyido ko sa papel. Di naman masamang mangarap, pero masamang managinip ng gising lalo na kung si Prof Bunot ang kaharap ko na pinahiya na naman ako sa klase quotang-quota na akong mapahiya. Tinawanan lang ako ng mga ka-block ko, mahal na mahal ko talaga ang mga taga-BS Criminology kahit ang saya nila ibitin patiwarik isa-isa.
Shet na malagkit, hulog ako kaagad ng tumingin siya sa akin. . .sa amin.
Nakikita niya naman siguro ako 'diba? May itsura naman ako, matalino sa katarantaduhan, maraming chicks sa tabi na hindi siguro niya magugustuhan.
Pwede naman akong magbago, eh? Pero 'di nga lang ngayon. Siguro sa susunod na taon na lang. Depende kung magtutuloy-tuloy ang pagbagsak ko sa kanya, sa babaeng may matapang na mata na taglagas ang pangalan na hindi ko pa makalimot-limutan.
Ç
BINABASA MO ANG
Pushing Fall
RomanceEpistolaryo: Pana-panahon (Ikalawang Serye) Ç - papalit-palit ng babaeng tinitignan, mahilig magsulat ng bawat pangyayari sa lukot na patapong papel. Bukod sa ballpen, at papel gusto niya ng atensyon, pero hindi niya nagugustuhan kung paano siya ti...