Fallera:
Nasaan si Caleb?
Zestrone:
wala pa ba?
palpak naman 'yon potek
Fallera:
Anong palpak?
Zestrone:
huuwag ka na magtanong, tsismosa
Fallera:
Eh kung sampalin kita kaliwa't kanan Zestro?
Zestrone:
mapanakit!
quota ka na, a!
Fallera:
Eh, nasaan na nga 'yon?
Zestrone:
chill ka lang malay mo mag-propose siya ulit
Tapos tanggihan mo ulit para masaya jadgjwhdkahdahd
Fallera:
Gago???
Zestrone:
nakita ko siyang pumunta rito sa Bliss Bar kanina kasama niya mga tropa niya kaya 'di na rin namin nahatak sa grupo namin
oi, Fallera
Fallera:
Oh, ano na naman?
Zestrone:
pwede bang kapag handa ka na abutin mo na ang kamay ni Caleb?
baka kasi kung paulit-ulit mo siyang itulak, baka bumitaw na siya ng wala sa oras
Fallera:
Bakit ka ba nakikialam?
Parang lahat kayo atat
Zestrone:
pinapaalalahanan lang kita na may nararamdaman din siya, hindi lang ikaw ang nasira rito, si Caleb din
kaya kung ako sa'yo pumunta ka na sa Bliss Bar at pauwiin ang gagong 'yon
malay mo, makabuo agad
ninong ako, ha?
Fallera:
Pucha ka kahit kailan kaya hanggang ngayon wala ka pa ring kalandian eh
Zestrone:
laH
bakit ka namemersonal?!
BINABASA MO ANG
Pushing Fall
RomanceEpistolaryo: Pana-panahon (Ikalawang Serye) Ç - papalit-palit ng babaeng tinitignan, mahilig magsulat ng bawat pangyayari sa lukot na patapong papel. Bukod sa ballpen, at papel gusto niya ng atensyon, pero hindi niya nagugustuhan kung paano siya ti...