10

93 2 0
                                    

Hindi ko na ginustong dumampi ang labi ko sa iba. Sa kanya na lang. Sana.

Sulat para kay Fallera Arceo, masyadong walang dating pero nakapaloob doon lahat ng gusto kong sabihin. Kapag kasi sa personal namamatay ang kahanginan ko.

Wala akong mapagmalaki pagdating sa kanya.

Ayaw niya sa mga babaeng laging nakapulupot sa akin?

Mas lalong ayaw ko na ganoon siya sa iba.

Ibibigay ko na sana ang sulat ko para sa kanya noong uwian, pero 'di ko naman aasahan na makikita siyang yakap-yakap ng iba habang hinahalikan siya. Gulat pa at namumula ng matapos halikan ng estrangherong ponciong pilato na 'yon na may ari ng mamahaling sasakyan. Hindi ko nakita sa kanya 'yon ng halikan ko siya. 

Isa lang ang ibig sabihin no'n.

Wala akong epekto sa kanya, tablado.

Hindi ako sumuko. Gusto kong ibigay sulat ko sa kanya ng magkasalubong kami. Nagmukha akong tangang nakatayo habang tinitignan siya kahit masama na ang tingin sa'kin ng humalik sa kanya. 

Lumabas sa bibig ko ang mga tanong na "nobyo mo ba siya?" Wala siyang isinagot at parang gulat pa. Bakit hindi ko siya maka-usap ng maayos? Di bale na. 

Kahit wala siyang sinagot alam ko na ang sagot. . . lalo na nang halikan siya ulit ng lalakeng 'yon ng walang pag-aalinlangan sa harap ko. 

Itinapon ko na ang sulat sa basurahan dahil wala naman 'yong kwenta.

Bumagsak ako sa pagkakagusto sa kanya. Imbes na hawakan ang mga kamay ko, binitawan niya ito ng parang wala lang. Hindi naman niya obligasyon, pero ang sakit lang. 

Masaya palang bumagsak kay Fallera, tatanggapin ko na sigurong wala akong pag-asa sa kanya.

Pero kahit ganoon hindi mawawala ang pagtingin ko sa kanya ayaw kong tanggalin. . .ayaw kong kalimutan, bakit? Napaisip ako kung malalim na ba ang nararamdaman ko sa kanya kaya hindi ko na siya mabitawan. 

Kasi aaminin ko na kahit wala siyang pakialam, Mahal ko na si Fallera.

Ç

Pushing Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon