Hindi na ako winalang hiya. Wala nang sumulpot na pakialamera sa tambayan para itapon ang mga sigarilyo na kinakaadikan ko. Balik pambabae na ako ng walang istorbo, pero parang may hinihintay pa rin ako.
Sino?
Si Fallera Arceo---
na may drug addict na tatay na namatay ng maaga.
May pokpok na nanay na mas pinili ang lalake kaysa alagaan sila.
Laging napapalabas ng silid nahuhuling tulog sa kapaguran dahil sa trabaho sa bistro at pag-aaral, ikinakahiya ng mga professors kahit na matataas ang mga grado ang dumi raw kasi ng bibig, maraming kaibigang lasinggero na napaglalabasan nito ng sama ng loob (hindi niya syota si Tetra Juice kaya wala akong sinulot) magkasama sila lagi sa sopasan, may kuya sa probinsya na lagi niyang kausap sa telepono, maraming kakilala sa bawat kurso dahil masayang kasama, may malamig na boses na bagay sa banda. . .pangarap niya ata? Pero sa lahat ng 'yon ---- hindi ko napansin na mayroon siyang busilak na puso sa kabila ng katapangan ng itsura niya.
Katulad ko, malungkot din siya.
At hindi ko namamalayan na sa paglipas ng araw hinahanap-hanap ko na ang presensya niya.
Ç
BINABASA MO ANG
Pushing Fall
RomanceEpistolaryo: Pana-panahon (Ikalawang Serye) Ç - papalit-palit ng babaeng tinitignan, mahilig magsulat ng bawat pangyayari sa lukot na patapong papel. Bukod sa ballpen, at papel gusto niya ng atensyon, pero hindi niya nagugustuhan kung paano siya ti...