Fallera:
Di mo sinabing mahilig kang maglaro ng tagu-taguan
Magrereply ka o magrereply ka?
Caleb:
Busy lang.
Fallera:
Busy mo mukha mo
Nakita kita sa canteen kanina tapos bigla kang lumiko ng makita mo ako nabulunan ka pa nga sa maruyang nilalamon mo
Ganun din sa cr pumasok ka agad sa cubicle niyo, ano 'yon nung nakita mo ako tinawag ka ng kalikasan???
Kinatok kita sa room niyo kaso bigla kang kumaripas ng takbo papuntang kabilang course kaila ka pa naging taga-Computer Science?
Hindi naman ako bumbay bakit mo ako tinatakbuhan????
Gago???
Huwag mong sabihing nahihiya ka pa rin
Alam ko naman na gusto mo ako hahahha
Caleb:
Oo.
Fallera:
Paglaruan
Di mo na kailangang mahiya
Caleb:
Fallera.
Hindi kita ginusto kahit minsan.
Oo, ginusto lang kitang paglaruan. Ano masaya ka na?
Fallera:
Kapal talaga
Caleb:
Kasi alam ko namang kahit kailan hinding-hindi mo ako magugustuhan.
BINABASA MO ANG
Pushing Fall
RomanceEpistolaryo: Pana-panahon (Ikalawang Serye) Ç - papalit-palit ng babaeng tinitignan, mahilig magsulat ng bawat pangyayari sa lukot na patapong papel. Bukod sa ballpen, at papel gusto niya ng atensyon, pero hindi niya nagugustuhan kung paano siya ti...