Fallera,
Bumaliktad ang mundo, kung dati pinapahiya mo ako sa harap ng maraming tao, ganun pa rin naman pero may saya na sa mata mo habang pinagtitripan ako nang magkalapit tayo.
Ang lapit mo sa'kin, pero ayaw kong mas dikitan ka dahil baka mawala ang distansyang meron tayo. Ayos na ako sa ganito.
Wala nang mas sasaya pa nang malaman kong hindi mo pala nobyo ang ponciong pilatong 'yon pero nang makita kong totoong minahal mo siya at nasaktan ka sa pagbibigay ng pagmamahal na hindi dapat. . .bakit parang nasaktan din ako?
Bakit parang mas magandang nakuha mo na lang ang pagmamahal niya, para hindi na ganyan kalungkot ang mga mata mo?
Sana naging kayo na lang para 'di ka na ganyan ngayon. Handa naman akong magpatalo, basta ikaw ang manalo.
Ewan ko ba Fallera.
Kahit masaktan ako, ayos lang basta para sa ikasasaya mo.
Ganoon siguro. . . baliw na ako. . . sa'yo kaya kahit ikasasakit ng kalooban ko ako na mismo ang gumawa ng distansya sa ating dalawa. . . alam ko namang doon ka sasaya.
Ç
BINABASA MO ANG
Pushing Fall
RomanceEpistolaryo: Pana-panahon (Ikalawang Serye) Ç - papalit-palit ng babaeng tinitignan, mahilig magsulat ng bawat pangyayari sa lukot na patapong papel. Bukod sa ballpen, at papel gusto niya ng atensyon, pero hindi niya nagugustuhan kung paano siya ti...