𝗨𝗡𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 (10)
"Ano ba tlaga ang nangyari?! Aiden! Tell me kung anong nangyari sa dalawa mong kapatid!" Kahit nakapikit ako ay alam ko kung kaninong tinig yun.
"Ama... Veronica started it all... You know, first inaway nya si Aisha. And we saw it, even Lyford. Sinampal yan ni kuya at gumanti ng suntok sakanya... That girl need to be punished ama!" Rinig kong sigaw ni Aiden. Tsk! This guy is soo irritating! Nakakainis na sya! Apaka sinungaling!
"Liar! Si Aisha kaya yung nauna!" Nagulat ako dahil narinig ko yung boses ni Yuna. Nandito sila. I wonder kung pano sila pinapasok... Pinapasok ba nila?
"You commoner, stop shouting at me! You're just a weak one!" Galit na saad ni Aiden. Hindi naman nagpatalo si Yuna at agad syang sinumbatan
"Pake ko ba ha?! Wala akong pake! Tsaka hoy! Nauna yang bruhilda mong step sis kaya sya dapat maparusahan!" Sigaw pa nya. Actually, kinakabahan ako para sakanya. She shouted one of the royalties at di malabong maparusahan sya...
"The two of you! Stop! Bumalik na kayo sa skwelahan nyo kung ayaw nyong ipatawag ko ang mga guardians ninyo" Malamig na saad nung king sakanila. Hindi naman umimik ang dalawa. Pasimple kong ibinuka ang mata ko para makita ko sila. And gladly, they're okay naman... Tahimik silang umalis...
Nang mawala na sila, agad na nagdabog si Aiden.
"Ama! That girl should be punished! She hurt Aisha many times! Wag kayong magpapaniwala sa babaeng iyan ama!" Narinig ko ang pagbuntung hininga ng hari
"Marami ang nakakita na nauna si Aisha. Pagsabihan mo ang kapatid mo na wag na itong uulitin..." Narinig ko ang pagsinghap ni Aiden
"What?! Ama! Aisha is innocent! Wala syang kasalanan! She's pure and walang bahid na kasinungalingan yan! Maraming beses na nyang pinatunayan yan satin ama!" Narinig ko ang pagtapik ng king sa mesa nang malakas dahilan para matahimik si Aiden...
"For all these years Aiden... Kailangan naman nating pagtuunan ng pansin yung totoong kapatid mo... Magmula nung napunta dito si Aisha, nasa kanya lahat ng atensyon natin... Let's give some to Veronica... Let's be fair to her naman son... She's your real sister after all" Mahinahong saad ng king. Gumalaw ako ng konti.
"S-she's awake ama..." Mahinang saad ni Aiden at naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Winaksi ko ito. Medyo sumakit din yung braso at balikat ko. Idinilat ko ang mga mata ko bago tumingin sa kawalan
"H-how are you? May masakit ba sayo?" Dali daling tanong nung king sakin. Tsk! Ngayon pa sya magpakatatay sakin na nagbago na ako? Pano kaya kung hindi ako nareincarnate sa katawan natoh? Baka patayin nya na si Veronica
"The two of you, kung magbabangayan man kayo, wag dito sa kwarto ko. Get out, iniistorbo nyo yung pahinga ko" Malamig kong saad kaya natigilan sila. Yes, ganyan nga, dapat nyo ring maranasan yung naranasan ni Veronica. I'm just turning the favor...
"B-but... Kailangan ka naming bantayan dito..." Gusto ko sanang matawa, kaso wag nalang, baka ibalibag ako ng hari palabas. Mahirap na. Masakit pa yung katawan ko..
"I said get out... Laira will took care of me nlang. Where is she?" Malamig ko paring tanong. I tried to control myself naman of hating them pero di ko tlaga mapigilang magalit at mainis sakanila. Parang naramdaman ko rin yubg naramdaman ni Veronica na galit na kimkim nya mula pa noon. Siguro kase nasa katawan nya ako?
"Greetings King Cygnus and Prince Aiden, ako napo ang mag aalaga sakanya..." Magalang na saad ni Laira. Nag alinlangan pa silang tumayo pero kalaunan ay umalis din... Narinig ko pa yung sinabi ng king kay Laira
"Take care of her..." Mahina nyang saad. I don't know kung nag hahallucinate lang ako pero base sa expression ng boses nya ay para syang malungkot. Or naglungkot lungkutan lang...
Nang makaalis na sila, agad akong nilapitan ni Laira at nakangiti syang hinawakan ang kamay ko
"How are you na po Princess? Jusko! Naaawa na ako sa kalagayan mong yan! Alam mo kung bakit? Kahapon, nahulog ka sa hagdanan, pangalawa naman ay eto ka ngayon, nakahiga na naman sa kama mo... Hayy naku!" Halatang namomroblema sya dahil sa sitwasyon ko
"O-okay lang ako... Don't worry, kaya ko naman eh" Saad ko pero umirap lang sya at itinuro ako
"Anong sabi mong kaya mo? Ayan ka nga oh nasa higaan. Pag ako tlaga nakita yang step sister mo, ibabalibag ko tlaga sya as in! Kainis sya! Sarap nyang isako!" Nanggigigil nyang saad.
"Hayaan mo na sya, papansin lang yun..." Sagot ko at tumingin sa kisame.
"Anong hayaan? Hello? Sa mga ginagawa nyang yan hayaan ko sya? Hindi pwede noh? Kaparehas tlaga sila ng yaya nya ng ugali! Tsk! Maldita tlaga!" Inis nyang saad. Napatingin ako sakanya. Tulad ko, kaaway din nya yung nagbabantay kay Aisha. Nagbabangayan din sila. Kase daw, mang aagaw daw yun. Merna ata yung pangalan nun.
"May karma naman di ba? Kakarmahin din yung mga yan" Napangiwi sya sakin. May inabot sya at ibinigay sakin
"Bulaklak para para saiyo mahal na prinsesa... Oh ayan... Galing yan kay Lyford... Ano kayang nakain nun at binigyan ka ng bulaklak noh? Tsaka sinabi pa nya sakin na pag nagising ka raw ay sabihan ko sya... Gusto ka raw nyang kausapin" Nagtataka naman akong napatingin sakanya. Kay Lyford galing yung bulaklak na ito?
Agad ko itong itinapon kaya napaawang ang bibig ni Laira. Kinuha nya ito at mangiyak ngiyak itong tiningnan
"Oh my goodness! Ang mahal nito princess tapos itatapon mo lang? Jusko namang bata ka eh! Matuwa ka dahil binigyan ka ng mate mo ng ganito..." Napahinga ako ng malalim at pasimpleng umirap
"Matuwa? Tsk! That flower is a tr*sh... Itapon mo yan..." Mahina kong saad. Hinawakan nya naman ang kamay ko bago mahinahong nagsalita
"I know galit ka sakanila. Pero sana naman wag mong sayangin yung mga effort nila... Alalahanin mo na kagaya mo, pwede rin silang magsawa... Appreciate their effort too." Huminga ako ng malalim bago sinagot sya
"Pag ginawa ko yun, para ko naring sinabi na pinatawad ko na sila... And hindi pwede yun, ayoko... They deserve na maghunt para sa appreciation ko" Sagot ko pero umiling lang sya
"Look... Pag ginawa mo yan, para mo na ring ginaya sila... Darating din yung time na hihinto sila gaya nung ginawa mo. Magbabago sila at gaya nila, hahanap hanapin nila yung ginagawa mo dati. Yung mga atensyon mo... Di ko naman sinabing patawarin mo sila, mahirap magpatawad pero alam kong kaya mo yan... Wag mo silang gayahin, iba ka at iba din sila... Hindi makabubuti pag matigas ang puso mo..." Dahil sa sinabi nya, parang nag iba ang ihip ng hangin para sakin.
Gusto ko silang patawarin pero, hindi ko naman kase magagawa hangga't naiisip ko yung ginagawa nila kay Veronica noon. Nangako na ako na igaganti ko sya at di hahayaang maapi ulit.
Pero parang may kabuluhan din yung sinabi sakin ni Laira, hindi mabuti ang matigas ang puso. Kung ang iba napatawad tayo, bakit di ko kaya?
"Those scars can be forgiven, but not been forgettin"
BINABASA MO ANG
Reincarnated as Vampire's Unwanted Mate
VampireTHE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest 𝗦𝗬𝗡𝗢𝗣𝗦𝗜𝗦 One day, she just reincarnated as vampire's unwanted mate