CHAPTER 11: Thank You Sir!

85 6 0
                                    

After the joke time meeting, dumirecho ako ng bahay para lang magpalit ng party dress. Ayoko malungkot at magmukmok kaya lalabas nalang ako at magpapakasaya.



I wore my sexiest animal print dress and paired it with a killer heels. Tinali ko lang ang long hair ko into ponytail and applied dark daring make-up. Masyado akong nagmukhang kawawa kanina. Feels like sht. tss



Pagkababa ko from my room, nakita ko si mommy, daddy at kuya na nag-uusap sa sala... NG SERYOSO. Lumapit ako sa kanila with poise at namewang pa ako nung katabi ko na sila. Sabay-sabay pa sila na napatingin sa akin.



"Oh! Saan ang lakad ng baby ko?" malambing na tanong ni Dad sa akin


"Valkyrie." tipid kong sagot


"Who are you with?" si mommy naman this time


"None." wala akong gana sumagot sa mga katanungan ngayon. Tss


"So tapos na pala ang party this time. Ang aga ha." comment naman ni kuya. Nakakainis na!


"Yeah yeah. I left already. I don't feel like attending some sick MEETING." tapos nagroll eyes ako


"Where's Mr. Saavedra?" tanong naman ulit ni daddy


"I left him at her sister's ENGAGEMENT party. Now, aalis na PO ako kung wala na kayong tanong. Bye." kahit di pa sila sumasagot, tumalikod na ako



Ngayon ko lang ginawa ang ganoong bagay, ang talikuran ang family ko sa usapan. Bastos na kung bastos pero masama ang loob ko sa kanila. Hindi ko kasi magets yung point nila kung bakit pa nila ako kailangan pasamahin kay Sir Taro. Sana sinabi nalang nila sa akin na engaged na si Fortalejo para hindi na ako nagmukhang tanga. Or else sinabi nila sa akin na engagement party yung pupuntahan ko baka sakaling nag long gown pa ako. Tss. Sport akong tao kaya hindi ako basta-basta magdadrama at masisiraan ng bait. I'm a Gabriel and I ain't born to be a loser.



(VALKYRIE)



Pagkapasok ko palang napangiti na ako dahil sa ambiance ng lugar. Sayang at hindi ko naisama ang mga BFF's ko para may kasama sana ako maging wild. *sigh* Nah! I shouldn't be stressing myself tonight, I should party hard! WOOOOH!



I ordered cocktail drinks ayoko maghard eh, mahirap na kasi mag-isa lang ako. Pagdating ng midnight, nagstart na mahype ang mga tao that's why I danced with them.



I danced sexily with a hot random guy. Hinawakan niya ako sa bewang while moving with the beat. He even grind his thing on my butt at dahil hindi naman na bago sa akin yun, sinabayan ko nalang siya.

Miss HOT and Mr. COLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon