Yung bonding namin ni Sir Taro last Tuesday's definitely fun! Actually, feeling close na nga ako sa kanya eh. Wednesday morning na kasi ako umuwi sa mansion namin so the whole day of Tuesday ay kwentuhan at movie trip ang ginawa namin tapos nagsorry pa siya sa akin. Nakakahiya nga kasi ako ang nagmaldita sa party ng kapatid niya but still siya yung nagsorry ng nagsorry sa akin.
(FLASHBACK)
Habang nanonood kami ng Insurgent (Divergent's Sequel) nagsalita nalang siya bigla.
"Apathie..." tawag niya sa akin pero ako busy sa panunood at tutok na tutok sa screen
"Hmmm...?" hindi ko parin siya nililingon at panay subo parin ako ng popcorn sa bibig ko
"About my twin's engagement party..." natigilan ako sa pagsubo ng popcorn at napatingin na ako sa kanya pero hindi parin ako nagsasalita
"I'm sorry. *yumuko siya bigla* Hindi ko alam na may gusto ka kay Mr. Fortalejo at hindi ko rin alam na nililigawan mo siya, na may something kayo. I'm sorry for being insensitive. Alam ko na nasasaktan ka parin hanggang ngayon... Kaya ka nagbar, hindi ba? I'm sorry for unintentionally hurting you and can't do anything to ease your pain. One thing I can assure you is that hindi mahal ni Tammy si Mr. Fortalejo, it's all about pure business. I'm sorry." hindi ako makahanap ng right word na isasagot ko sa lahat ng sinabi niya, basta nakatingin lang ako sa kanya at bahagyang nakabuka ang bibig
"Hey why are you crying? I'm sorry..." nabigla pa ako nung niyakap niya ako
Shocks! Why am I crying nga ba? Oh! Maybe natouch ako sobra sa mga sinabi niya kasi he shows care on what I feel. Napaub-ob nalang ako sa balikat niya kaya pinat niya ang ulo ko.
"It's okay. I'm here. I'm sorry again." humiwalay na ako mula sa pagkakayakap niya saka ngumiti
"Tara nood na ulit!" masigla kong yaya sa kanya
Ayun lang! Oh diba? Sweet-sweetan at ang saya namin? HAHAHA! Inggit!!!! *bleeeh*
(OFFICE)
Friday na at nasa office ako ngayon, specifically at my table. Of course kahit may emotional problem ako, I need to be professional and continue my gorgeous life. *Angelic smile*
Nagtrabaho ako ng masigla at nagpaka-busy ako ng bongga. Hindi ko na nga napansin ang mabilis na takbo ng oras eh, uwian na pala? OH WELL PAPEL! *smile*
"Miss Gabriel uwian na. Masyado ka naman loyal sa work." nakangiting komento ni Sir Taro
BINABASA MO ANG
Miss HOT and Mr. COLD
Teen FictionSa generation natin ngayon, hindi na uso ang maghihintay nalang si girl na magtapat sakanya si boy dahil sa panahon ngayon inuunahan na natin sila. Paano kaya pag ang isang gorgeous, hot-headed rich girl na naniniwalang; "What you see is what you ge...