Nasubukan mo na ba ang magconfess sa lalaking nagugustuhan mo?
Eh ang manligaw sa lalaki?
Kung hindi mo pa nasusubukan... AKO, OO! Medyo nakakahiya siya at "matinding lakas ng loob" ang kailangan mo. Pero yung lakas ng loob kasi nag-uumapaw yung sa akin kaya hindi ako nahirapan. Magmumukha kang desperada, OO, pero kasi hindi niyo naman kasi ako masisisi.
Kung iniisip niyo na pangit ako kaya desperada ako... Sorry to disappoint you but I'm GORGEOUS, SEXY, RICH AND TALENTED. Hindi sa nagyayabang ako ha, nagsasabi lang ako ng totoo. *angelic smile*
Hindi ko nga alam bakit nagtyatyaga ako sa lalaking yun eh wala naman siyang kabuhay-buhay at total opposite kami. Wala siyang night-life, ako almost every night nasa super club. He hates girls, I love boys. Hindi siya naniniwala sa love, naniniwala naman ako pero hindi sa forever. Masungit siya, approachable ako. At higit sa lahat... He hates me but I like him.
Hindi naman ako na love at first sight sa kanya eh kasi nagtalo kami sa una at pangalawa naming pagkikita. Aba! Kasalanan ko ba na hindi ko nagustuhan ang project proposal niya sa company ng daddy ko? Ayoko naman na magsayang kami ng pera sa walang kwentang bagay. Tss. Sa third sight ko siya nagustuhan, actually. *kiliiiiig* Ganito kasi yung nangyari nung third sight.
FLASHBACK:
(BAR)
Busy ako sa pagsasayaw sa dance floor nang may humigit sa braso ko. Pagtingin ko sa humila sa akin... It was Jay my ex-boyfriend or should I say my ex-fiance. Pinilit niya akong hinila palabas ng bar at dinala sa parking lot.
"Jay! Let go of me!" sigaw ko sa kanya habang tinatanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko
"No! Sasama ka sa akin sa bahay natin!" sigaw niya rin sa akin at patuloy na hinila papunta sa kotse niya
"Ano ba! We're over! 2 months na tapos magkakaganyan ka?! Ano ba!!!" sigaw ko parin, nanggigigil na ako sa inis kaya tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako
"Wala ka pa namang bago ah! At wala na rin kami ni Dianne kaya pwede sumama ka ng maayos sa akin?!" sigaw niya sa akin, ang kapal talaga ng muka! Sasagot na sana ako ng magsalita ang isang gwapong anghel sa parking lot
"Dude, let go of my girl." cold pero ma-awtoridad na sabi nito
"Sino ka naman ha?!" galit na baling niya sa gwapong anghel
"I'm her boyfriend. I said let go of my girl. *tapos inagaw niya kay Jay ang braso ko at nagsalita ulit* The next time you lay your hands on her I will cut your hands off. Don't mess with me." walang emosyon niyang sabi
Iniwan namin na nakatulala doon si Jay at marahan niya akong inakay sasakyan niya. Pagkapasok namin sa loob ng kotse walang nagsasalita, tahimik kami pareho pero napabuntong hininga siya ng malalim at bumaling sa akin.
"Are you alright? Does it hurt?" tapos hinawakan niya yung braso ko. Nagpasa pala yung ginawang paghila sa akin ni Jay
"Y-yes I'm fine. T-thank you... *iwas tingin, bakit may kuryente ata nung hinawakan niya ako?* Uhmm. About earlier, thanks for saving me." nahihiya kong sabi
"Next time wag ka magbabar mag-isa kung ayaw mong mapahamak. Ginawa ko lang ang tama." Sht! Kahit ang cold ng boses niya at parang pinapagalitan niya ako di maiwasan ang mapangiti. Yung puso ko parang may karera. Shhttt! Concern ba siya? *blush* Hinatid niya ako sa mansion
Oh! Ngayon alam niyo na kung bakit ako nain-love sa kanya? Masisisi niyo ba ako? For me I'm a damsel in distress that is saved by her knight in shining armour. *kiliiig* Handa naman ako maghintay na mahalin niya ako kasi I won't take NO for an answer.
I will just wait for you Fortalejo, to fall in love with me too. I told you already...
"What I see is what I get..." *wink*
BINABASA MO ANG
Miss HOT and Mr. COLD
Teen FictionSa generation natin ngayon, hindi na uso ang maghihintay nalang si girl na magtapat sakanya si boy dahil sa panahon ngayon inuunahan na natin sila. Paano kaya pag ang isang gorgeous, hot-headed rich girl na naniniwalang; "What you see is what you ge...