Sa isang kabundukan sa Pangasinan(na hindi ko pa alam kung saan sa Pangasinan😂) naninirahan ang mag-ina bilang isa sa mga tauhan ng hacienda. Mahigpit na niyakap niya ang mga anak matapos takpan ang butas sa bubong dahil tumutulo sa lakas ng ulan. Magpitong taong gulang na ang dalawa pero hanggang ngayon, hindi pa nakaapak sa paaralan dahil sa labis na kahirapan. Hindi naman sa ma-pride sya pero mariing tinatanggihan niya ang alok ng may-ari ng hacienda na maging asawa nito kapalit ng magandang buhay nilang mag-ina. Tahimik sila, masaya sa pagtatanim ng gulay kaya hindi na niya kailangan pang maghangad ng marangyang buhay. Iyon ang akala niya! Dahil sa isang iglap, biglang nagulo ang tahimik nilang mundo sa bagong may-ari ng hacienda, walang iba kundi ang ama ng kanyang mga anak!
P.s Di ko pa alam ang title😂a/n:
May mga nakikita akong nagtatanong kung hindi ba isip-bata pagkakagawa sa tuwing may nire-recommend na story sa kanila so ako na mismo ang magsasabi na ang story na ito ay exaggerated ang pagkaka-humor. Opo, medyo exagge siya in a way na sobrang OA. Wala ako sa publishing so yaan nyo akong magsulat sa gusto ko. Pag di bet ang takbo ng story o di ba gusto ang boses ng character, layas na! Daming author jan sa wattpad. Huwag kayong matulad sa iba na kapag mang-bash, wagas! Nanghihingi ako ng pera? Di ako feeling sikat na maraming basher ha. Pero kung nakilala nyo ako bago sa acct na ito, alam ninyong marami ang stories ko na wala rito dahil sa nang-report at kung ano-ano pinagsasabi sa stories ko! Hahahaha!
Gusto ko nang magsulat na nag-i-enjoy ako. Ang tagal ko na kasing hindi nag-i-enjoy sa pagsusulat, sa totoo lang😂 Kaw ba naman mawalan ng stories at followers dahil sa mass report ng mga punyetang grupo na 'yon! Hahahahaha! Mga di naman inaano. Lol!
Pag may mang-report pa, inggitera't inggitero na talaga!😂
Akala mo sila nagbabayad para magsulat ang ibang manunulat e! Huwag nyo kong anuhin, gigil ako habang nagta-type e. Speaking sa type, lahat ng stories ko "UNEDITED" ha. For short kung ano nasa isip ko, nasusulat ko agad at wala nang review-review kaya mali, mali. Kung gusto nyo ng polidong gawa, doon kayo sa published book. Sabihin ninyo na "mayroon naman na hindi published pero maganda ang pagkakagawa." Eh di doon kayo sa kanya! Ako ba siya? Tapos "may improvement pa naman. Kunting edit lang." Ang problema nga, tamad akong mag-edit! Sa dami kong ginagawa, mag-i-edit pa ba ako? "Eh di wag kang magsulat." Eh kung sabihin ko rin kayang wag kang magbasa? Di ko nga maisip kung paano ko mabayaran lahat ng utang ko, dumagdag pa kayo! Basa na lang! Pag ayaw, layas! Wag mang-report!
Di kayo nakakatulong sa pag-ayos ng mental health ko!
Sa mga sumusuporta sa stories ko mula noon hanggang ngayon, salamat po. Ayieee, magalang. Plastic ang peg.😊 Wag ninyo akong suportahan kasi mauurat lang kayo sa attitude ko. Sa stories ko na lang para wala tayong samaan ng loob, okay?
Start na tayo😊 Hahahahaha!
Goodluck sa stories na ito basta nag-ienjoy ako. Basa lang kayo ha... Ang comment ninyo ay maaaring makapagbago ng takbo ng story na ito. Baka short story lang ito pero gusto ko masaya😊 Kahit OA man minsan ang story kapag depress at stress ang nagbabasa, nakakatulong din. Ganun ako eh. Nanonood ako ng movie tapos ang babaw ng storyline pero kilig na kilig ako at nawawala ang sakit ng ulo ko.
Kung may mga na-offend o may nainis sa author's note ko, wag nang ituloy ang chapter 1. Huwag kayong magsabi-sabi na maganda ang story pero ang ugali ng author ay hindi! Uunahan ko na kayo ha! Pangit na nga ang story, pangit pa ng hitsura at ugali ng author na ito! Gusto ko pantay!😂
BINABASA MO ANG
Ngayon at Kahapon
HumorSa isang kabundukan sa Pangasinan(na hindi ko pa alam kung saan sa Pangasinan😂) naninirahan ang mag-ina bilang isa sa mga tauhan ng hacienda. Mahigpit na niyakap niya ang mga anak matapos takpan ang butas sa bubong dahil tumutulo sa lakas ng ulan...