Unedited...
Napatigil si Manuel sa paglalakad at napatago sa likod ng puno nang makitang naglalakad sina Honey at JV.
"Salamat sa paghatid, JV," narinig niyang pasalamat ng lalaki dahil malapit na ito sa kinaroroonan niya.
"Wala iyon. Basta ikaw, Honey ko. Ang mahalaga lang naman sa akin ay ang kaligtasan mo. Hayaan mo, kakausapin ko ang bagong may-ari. Ki-bago-bago pa lang niya, iyon na ang ginawa niya sa 'yo?" may galit sa boses ni JV kaya naikuyom ni Manuel ang kamao sa inis.
"Aksidente ang nangyari," sagot ng dalaga.
"Huwag mong pabayaan ang sarili mo, Honey ko. Bakit ba ayaw mong sumama na lang sa akin at—"
"Napag-usapan na ho natin ito, Señorito."
"Ilang beses ko bang sabihing JV na lang at huwag ka nang mag-señorito? Honey? Gusto talaga kita. Tanggapin mo lang ako at pangako, ibibigay ko ang lahat sa 'yo. Tatanggapin ko kayo ng mga—"
"Pasensya ka na, JV. Ayaw ko ng gulo."
"Honey ko," hinawakan ng binata ang magkabilang kamay ng dalaga. "Kung ang pamilya ko ang iniisip mo, hindi kita pababayaan. Ipaglaban kita. Kung gusto mo, lumayo tayo para sa ikatahimik natin," pangungumbinse ni JV.
"Wow! Romantic!" bulong ni Manuel at muling sinilip ang dalawa na naghahawakan pa ng kamay. Napagmasdan niya ang mukha ng dalaga dahil nakaharap ito sa kanya. "Cathy! Si Cathy ko 'yan eh!" bulong niya saka hinawi ang malamig na bagay na dumampi sa kamay niya pero nang maramdamang gumapang ito, napalingon siya. Nanlaki ang mga mata niya at biglang napahawak sa bibig para hindi mapasigaw, malaking ahas ahas! Kulay brown at gumagapang ito sa kamay niya sabay labas pa ng dila. Kapag gumalaw siya o sumigaw, maririnig siya ng dalawa o 'di kaya'y kagatin siya ng ahas. Napapikit siya at pinigilan ang hininga.
"Sige na, uuwi na ako, Honey ko. Basta kapag may kailangan ka, nandito lang ako. Alam mo naman ang number ko," paalam ni JV.
"Salamat sa lahat ng tulong, señorito," pasalamat ng dalaga na nakahinga nang maluwag. Kung pwede nga lang ay itulak niya palayo si JV ay gagawin niya dahil marami pa siyang gagawin.
"Sige, huwag mo na akong ihatid. Ingat," palaam ni JV at naglakad na palayo sa kanya. Sinundan niya ng tingin ang binata. Hindi naman sa maarte siya pero napapagod na siyang magmahal at lahat ay naka-focus sa kambal niyang lalaki.
"Oh, shit! Shit! Shit!"
Napalingon siya nang patakbong lumapit sa kanya si Manuel.
"Ano ang ginagawa mo—"
"S—Sandali! Oh my ghad!" hinihingal na sabi ng binatang nakahawak sa dibdib at putlang-putla ang magkabilang mukha. "I—I'm dying!" Natigilan siya nang mapansin ang poker face na mukha ng dalaga. "M—May . . . ahm, m—may gumapang lang na ahas sa kamay ko," paliwanag niya sabay lunok ng laway, "tapos p—pumunta sa mukha ko." Hanggang ngayon, ramdam pa niya ang lamig ng balat ng ahas. "T—Totoo." dagdag niya dahil mukhang ayaw maniwala ng dalaga.
"May kailangan ka ho ba, señorito?" tanong ng dalaga.
"Cathy," aniya saka hinawakan ang kanang kamay ng dalaga pero agad namang hinila nito ang kamay at umatras palayo sa kanya.
"Okay lang ho ako. Salamat pala sa mga gamot na pinadala mo."
"Walang anuman," aniya. "Cathy, ano ang nangyari? Bakit nandito ka? At bakit ganito ang—"
"Mawalang galang na ho, sir. Sino si Cathy?"
Napanganga si Manuel at sinuri ang mukha ng dalagang nakatingala sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ngayon at Kahapon
HumorSa isang kabundukan sa Pangasinan(na hindi ko pa alam kung saan sa Pangasinan😂) naninirahan ang mag-ina bilang isa sa mga tauhan ng hacienda. Mahigpit na niyakap niya ang mga anak matapos takpan ang butas sa bubong dahil tumutulo sa lakas ng ulan...