11

2.1K 165 40
                                    











Unedited...







"May anak ka na? Naunahan mo ako?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Gaga ka! Ano ba ang nangyari?" naguguluhang tanong ni Sammy habang nag-uusap sila sa terasa.

"K—Kasi . . . "

"Saan na 'yong pagmamadre mo? Ano 'yon? Pakulo lang lahat?"

"S—Sorry."

"My ghad! Cathy naman! We're twins! Ilang okasyon ang pinalampas mo? Ilang birthdays natin ang sine-celebrate ko nang hindi ka kasama? Graduation ko! At ang wedding day ko? We promised na kapag ikasal ang isa sa atin, dapat bride's maid ang isa! Natiis mo ang lahat ng 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ni Sammy.

"H—Hindi ko na alam ang gagawin ko, Sammy. I'm sorry."

Napabuga nang hininga si Sammy dahil sa inis. Actually, naghahalong tuwa at inis ang nararamdaman niya pero nagkaroon siya ng awa nang mapasulyap sa kakambal. Ang payat nito, tuyo ang balat at ibang-iba sa Cathy na naging karamay nya sa lahat ng oras.

"Pinaniwala mo kaming lahat, Cathy," mahinang wika niya at humarap sa kakambal. "Alam mo bang sobrang sakit ng naranasan ko noon kay Samuel pero wala akong kakambal at bestfriend na makausap? Lahat ng iyon ay sinolo ko. Dapat nandoon ka eh!" sumbat niya.

"H—Hindi ko kasi kaya, Sammy. Alam kong ang selfish ko pero gusto kong tumakas sa mundo. Hindi ako kasing lakas mo, Sammy. Magkakambal man tayo pero magkaiba tayo ng coping mechanism."

Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Pareho silang nakatingin sa malawak na lupaing nasa harapan.

"Si Baby L, alam ba niya ito?"

"Hindi ko alam pero siya ang bumili ng lupaing ito para kay Manuel."

"Alam niya. Umpisa pa lang, alam na niyang nandito ka," ani Sammy. "Wala kang maitago roon lalo na kung taguan ang pag-usapan. Kaya nga walang nagdududa kasi pinagtatakpan ka niya. Kahit ang lolo at daddy, hindi na rin nag-usisa."

"Binigyan lang nila ako ng oras para makapagpagaling," ani Cathy.

"Cathy?"

"Hmm?"

"I'm so happy."

Marahang ngumiti si Cathy at tinitigan ang kakambal. Siya rin, masaya. Walang araw na hindi niya ito nakakalimutan at palaging ipinagdasal.

"Pero mas masaya ako dahil hindi ka nag-madre," dagdag ni Sammy at tumawa. "Kasi hindi na ako magiging tita kapag talagang nagmadre ka."

"Adik ka! Kay Leonie, pwede naman."

"Sympre iba pa rin kapag sa kakambal," ani Sammy.

"Ladies, kain na tayo," yaya ni Samuel nang lapitan sila. "Hi, Cathy. Ang kulit ng kambal mo, naninirador!"

"Sinabi mo pa. Pero malambing naman 'yan sila," nakangiting sabi ni Cathy at tumayo dahil kanina pa nga siya nagugutom.

"Gusto ko rin ganyan ang kambal natin," ani Sammy.

"Kung kambal ang mabuo natin," ani Samuel.

"Gusto ko kambal," ani Sammy na sumunod sa asawa.

"Sige, gawin natin ang isa mamayang gabi," hirit ni Samuel.

"Ay, after lunch na lang," biro ni Sammy kaya natawa ang asawa.

"Hi," bati ni Manuel saka hinila ang isang silya para kay Cathy. "Kain na tayo?"

"Sige. Saan na ang mga bata?"

"Pababa na. Busy sa kakalaro sa taas. Bumili si Mommy ng maraming laruan kaya nawili sila," sagot ni Manuel saka pinagsilbihan ang dalaga."Ano pa ang gusto mong kainin?"

Ngayon at Kahapon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon