Unedited...
"Nanay! Nanay! May nahuli kaming isda!" masiglang sabi ni Uno habang palapit sa kanya na nangunguha ng gulay para lutuin.
"Nanay! Ang dami! Apat talaga nahuli namin!" pagmamayabang ni Dos habang itinataas ang isdang nakatuhog sa pinutol na sanga ng kahoy. "Ang galing naming manghuli ni Tatay!"
Napasulyap si Cathy kay Samuel na umiwas ng tingin.
"Tinanong ko sila kung pwedeng tatay ang itawag nila sa akin. Hindi ko naman sila pinilit."
Walang salitang iniwan ni Cathy ang mga ito at muling pumasok sa bahay para hugasan ang gulay na kinuha.
"Alam kong galit ka sa akin, Cathy. Mapag-usapan naman natin 'to e. Babawi ako. Alam kong marami ang pagkukulang ko sa inyo pero hindi ko alam na may anak tayo. Kung alam ko lang eh di sana hindi ako lumayo, hindi ko kayo pinabayaan. May responsibilidad ako nang hindi ko alam kaya ano ang magagawa ko? Mahal kita at ayaw kong dumating ako sa punto na pati ikaw ay saktan o patayin ko noong nagkaroon ako ng PTSD. Ginawa ko lang kung ano ang nakakabubuti."
Kinuha niya ang malaking kutsilyo sa dingding kaya napaatras si Cathy.
"M-Magkakaliskis lang ako ng isda," ani Manuel at binalikan ang mga anak para linisin ang isda.
"Akin na ang isda," ani Cathy nang puntahan si Manuel.
"Hugasan ko lang."
"Ako na ho at pwede ka nang umuwi, señorito."
"Pwede bang dito na ako makikain?"
"Pasensya na, pang tatluhan lang ang plato namin."
"Sanay akong kumain sa dahon ng saging."
"Wala kaming extra na bigas."
"Gusto mo ba talaga ako mawala, Cathy?" malungkot na tanong ni Manuel na sinundan si Cathy dahil tinalikuran siya nito para ipagpatuloy ang pagluluto.
Naupo ang binata sa lumang silya at pinagmasdan ang ginagawa ni Cathy.
"Naalala mo ba noong nangarap tayo ng future natin? Iyong kapag may mga anak na tayo, magpapatayo tayo ng sarili nating bahay? Iyong ikaw ang magde-design lalo na sa kwarto ng mga anak natin?" tanong ni Manuel na nakangiti habang binabalikan ang kahapon. Tumayo siya saka nilapitan si Cathy at niyakap mula sa likuran. "I miss you, Cath." Hinigpitan niya ang pagkayakap saka inamoy ang leeg nito. "Mahal na mahal kita. Hindi ko ginustong iwan ka. God knows kung gaano kita kamahal kaya ako lumayo. I don't want to hurt you physically."
"Nanay?"
Napalingon si Manuel kay Uno na nakatingala sa kanila.
"Ah, giniginaw si Nanay nyo kaya niyakap ko," palusot niya saka lumayo kay Cathy. "Tara, laro tayo. Habulan, ako taya!" yaya niya saka hinabol ang anak na mabilis tumakbo habang naghihiyaw.
Napabuntonghininga si Cathy. Hindi niya alam kung ano ang itutugon kay Manuel. Matapos ang mahabang panahon, hindi niya inakalang muli niyang maramdaman ang init ng mga yakap nito. Buong akala niya, habambuhay na hindi na niya ito muling masilayan.
Nang maluto ang isda at sinaing, kumain sila sa lilim ng puno kasama si Manuel dahil wala naman itong balak na umalis.
Pagkatapos kumain, pinatulog niya ang mga bata saka nagwalis ng bakuran.
"Paaralin na natin ang kambal, Cath," ani Manuel. "Huwag naman nating pagkaitan ng future ang mga bata. Kahit na ayaw mo na sa akin, huwag nating idamay ang kambal oh," pagsusumamo niya. "Isa pa, hindi habambuhay ay matatago mo sila sa pamilya natin."
BINABASA MO ANG
Ngayon at Kahapon
MizahSa isang kabundukan sa Pangasinan(na hindi ko pa alam kung saan sa Pangasinan😂) naninirahan ang mag-ina bilang isa sa mga tauhan ng hacienda. Mahigpit na niyakap niya ang mga anak matapos takpan ang butas sa bubong dahil tumutulo sa lakas ng ulan...