chapter 6

1.8K 185 17
                                    






A/n:

Common man pero sana magkaroon tayo ng tinatawag na "originality"









Unedited...




"Nanay!" masiglang bati ng dalawang batang sinasalubong siya bitbit ang mga laruang matagal nang gustong bilhin sa tindahan ni Amy.

"Nanay, look oh! May laruan kami!" masayang sabi ni Uno.

"Nanay, bang! bang!" ani Dos na itinutok sa kanya ang baril-barilang laruan.

"Ibalik ninyo 'yan kay Amy!" utos niya. "Akin na 'yan!" isa-isa niyang inagaw ang mga laruan. "Mula ngayon, huwag na huwag na kayong tumanggap ng pera o ano mang bagay sa lalaking 'yon, maliwanag?"

"Laruan ko 'yan eh!" sabi ni Dos at inagaw sa ina ang laruang baril pero ayaw bitiwan ni Honey kaya binitiwan ng bata at naglupasay sa lupa. "G—Gusto ko 'yan!" umiiyak na sabi ni Dos.

"Hindi pwede!" madiing sabi ng dalaga. "Tayo, Dos! Isa!" bilang niya pero lalong nagwawala ang anak kaya pumutol na siya ng sanga ng madre de-cacao. "Ayaw mong tumayo?"

"Waaah! L—Laruan ko!" luhaang sabi ng anak sabay tayo nang itinaas ni Honey ang sangang hawak para paluin ang anak. "N—Nanay!"

"Sa susunod na hindi kayo sumunod sa akin, bibitayin ko kayo patiwarik!" pagbabanta niya na dumilim ang paningin sa galit. "At kapag makita ko kayong nakikipag-usap pa sa lalaking iyon, papaluin ko talaga kayo!"

Sabay na tumango ang mga bata habang inosenteng nakatingala sa kanya.

"Dito lang kayo!" bilin niya saka naglakad patungo sa tindahan ni Amy.

"Oh, Honey," sabi ni Honey at napatingin sa hawak nitong laruan.

"Isinasauli ko na ito."

"Binayaran na 'yan ng mga bata. Wait lang, nasa akin pa ang sukli. Hindi ko na binigay sa kanila dahil baka mawala—"

"Sa 'yo na ang pera!" seryosong sabi ni Honey. "At itong laruan!"

"Pero hindi naman sa akin ang pera. Bigay naman ni señorito sa mga bata," nagtatakang sagot ni Amy.

"Sa 'yo na ang pera! Hindi ko 'yan kailangan!"

"Baliw ka ba? Tinatanggihan mo ang pera?"

"Hindi ko 'yan pinaghirapan!"

"Ano? Gagi ka! Bigay na nga ni señorito."

"Kilala mo ako, Amy, hindi ako tumatanggap ng tulong kahit kanino."

"Sa mga bata naman niya—"

"Kahit na!"

Napatitig si Amy sa mukha ni Honey.

"Teka nga lang, alam mo, nagdududa talaga ako sa kinikilos mo eh."

"Bakit?"

"May nagawa ba ang bago nating amo na ikinagalit mo at kung makareak ka,  parang—"

"Wala!" agad na sagot ni Honey. "Ayaw kong masanay ang anak ko na palaging humihingi sa ibang tao."

"Si señorito Manuel ang kusang nagbigay sa kanila. Siguro na-cute-an sa kambal."

"Uwi na ako."

"Honey ang dalawang libo ng mga bata."

"Sa 'yo na."

"Hoy! Nanliligaw ba si Señorito sa 'yo?"

Napatigil si Honey sa paglalakad. "Di bale na lang!" sabi ni Amy at napailing.

Ngayon at Kahapon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon