chapter 8

3.2K 213 52
                                    








Unedited....





"Huwag kayong maglaro!" masiglang bati ni Honey sa kambal na nagsasampay ng mga nilabhan nyang damit. Restday niya ngayon at balak niyang igala ang anak sa tabing ilog kagaya ng nakasanayan nila bilang bonding din.

"Morning!"

Napalingon sila kay Manuel na palapit sa kanila. "Hi, Cathy, good morning."

"May kailangan ka, señorito?"

"Wala ka bang trabaho ngayon?"

"Bakit ho?"

"Tara, gala tayo. Sama natin ang kambal," sagot ni Manuel. "Kung okay lang sa 'yo."

"May plano na kami ngayon."

"Sama nyo naman ako sa plano ninyo."

Kumuha si Honey ng damit at isinampay sa sampayang alambre.

"Señorito, huwag na ho kayong magsayang ng oras ninyo sa akin dahil hindi ko talaga alam ang pinagsasabi mo."

"Okay," pagsuko ng binata na sinundan ang dalaga. "Sabihin nating hindi ikaw si Cathy pero tanga ko naman kung maniwala akong ikaw talaga si Honey."

"Parang sinabi mo na ring ang tanga ko kapag maniwala akong buhay pa ang ama ng mga anak ko, señirito," ani Honey at ipinagpatuloy ang pagsampay.

"I'm alive, Cathy," malungkot na sabi ni Manuel. "Bigyan mo lang ako ng pagkakataon."

"Paano?" tumaas na ang boses ng dalaga at hinarap ang binata. "Kung hindi kita maintindihan, señorito!"

"Kahit para sa mga anak natin, Cathy, makinig ka naman oh."

Lumipat sa kabilang sampayan si Honey bitbit ang malaking palangganang may nilabhang damit.

"Umalis ako para sa 'yo," paliwanag ni Manuel. "Ayaw kong magkaroon ka ng kasintahang mamamatay-tao. Yes, I survived pero lumayo ako para sa kaligtasan mo, Cathy. H—Hindi ko matanggap na nagkamali ako. Araw-araw akong binabangungot sa pagpatay ko sa kanila at ayaw kong magising ako na nandiyan ka dahil baka masaktan kita. Nagha-hallucinate ako. Nawala ako sa sarili ko," mahabang paliwanag niya na umaasang maunawaan siya ng dalaga. "Alam kong mababaw lang para sa 'yo but I was lost. Nawala ang pag-iisip ko. I almost died. I was captured, Cath. Maliban sa nababaliw ako sa g—ginawa ko sa mga subanon, bihag pa nila ako. G—Ginawa nila akong hostage to controlled Leonardo. Para hindi ito makagawa ng ikamatay nila dahil oras na makawala ako, they're dead. Leonardo can't kill them hanggat hawak nila ang ulo ko."

Ipinagpatuloy ni Honey ang pagsasampay pero alam ng binata na nakikinig ito sa kanya kaya sinamantala na niya. "I'm sorry, Cathy kung after nila akong mailigtas, hindi na ako bumalik pa. Pumunta ako sa ibang bansa para ipagamot. Mahal kita pero naisip ko na mas mabuting mawala ako sa buhay mo dahil isa akong mamamatay tao. Alam mo kung gaano kita kamahal, Cathy. Alam mo ang mga pangarap ko noon sa atin kahit na nanliligaw pa lang ako. Ikaw at ako pero hindi ko naman akalain na ikaw lang ang tumupad sa pangarap kong iyon. Hindi ko alam na buntis ka."

Ubos na ang sinampay ng dalaga kaya tinalikuran siya nito para bumalik sa mga anak na ngayon ay naglalaro na.

"Okay. Bigyan naman natin ng second chance ang mga sarili natin alang-alang sa kambal, Cathy. Hindi ko kayang mawala ka pa, Cathy. Mababaliw na ako!" desperadong sabi  ng binata.

"Ligo na kayo?" tanong ni Honey sa kambal.

"Yehey! Ligo na kami sa ilog!" masayang sabi ni Uno.

"Hindi mo talaga ako papansinin?" tanong ni Manuel saka niyakap mula sa likuran ang dalaga. "I'm sorry," bulong niya malapit sa tainga nito at inamoy ang buhok. "Pangako, hindi na ako aalis, Cath. Hindi na kita iiwan."

Ngayon at Kahapon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon