chapter 10

1.9K 184 50
                                    






Unedited...






"Kumusta ang tulog mo?" tanong ni Manuel nang pumasok sa bahay.

"Nasaan ang mga anak ko?"

"Ipinasyal ni Nanay Maddie," sagot niya. "Nagugutom ka na ba? Tara, kain na tayo."

"Hindi pa ako gutom!" Wala siyang ganang kumain at wala rin siyang tulog sa kakaisip kung ano ang susunod na gagawin pero hanggang ngayon, blangko ang utak niya. Napasulyap siya kay Manuel na nakaupo sa sofang gawa sa kawayan at nakatingala sa kanya. "Bakit?"

"Wala," sagot ng binata.

"Bakit nga?"

"Naaawa ako sa 'yo, Cathy. Alam mo ba kung gaano kita minahal at pinrotektahan noon? Sa tuwing maisip ko na iniwan kita, sising-sisi ako. Ang duwag ko!"

"H—Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!"

Tumayo si Samuel at namulsa saka humarap sa bintana. "Pero alam mo, ang saya ko nang makita kita. Hindi dahil sa naghihirap ka kundi dahil hindi ka nagmadre at higit sa lahat, ligtas ka . . . ligtas kayo ng mga anak ko." Humarap siya kay Sammy at matamis na ngumiti pero nasa mga mata ang labis na kalungkutan. "Thank you for saving my sons. Thank you kasi ikaw ang tumayong ama nila habang nagpapagaling ako. Masyado kitang in-underestimate noon. Akala ko ang hina mo at kailangan mo ng proteksyon ko pero napatunayan mo na sobrang strong mo, Cathy. Ikaw ang pinakamatibay na babaeng nakilala ko."

Iniwas ni Cathy ang mga mata. Strong? Hindi! Mahina siya kasi tinalikuran niya ang katotohanan at piniling maglugmok kasama ang mga anak. Ipinagkait niya ang karapatan ng mga ito sa mahabang panahon at hanggang ngayon ay hindi niya alam kung paano bumalik sa dating buhay.

"H—Hindi ako ang Cathy na—"

"Ikaw pa rin ito, Cathy!" madiing sabi ni Manuel at hinawakan sa magkabilang balikat ang dalaga. "Ikaw pa rin ang Cathy na minahal ko at hindi magbabago iyon. Magbago ka man ng katauhan, makikilala pa rin kita!"

Napakagat si Cathy sa ibabang labi para pigilan ang nangingilid na mga luha.

"H—Hindi ako naging mabuting ina. Binuhay ko lang sila pero hindi ko ginampanan ang tungkulin ko sa kanila."

Naramdaman niya ang pagyakap ni Manuel sa kanya at paghalik sa ulo niya.

"It takes time to heal, Cath. It takes time . . . " mahinang bulong ni Manuel. "You did a great job, hindi ka failure."

Lumayo si Manuel sa dalaga. "Tara, kain na tayo."

Dahil nagugutom na nga siya, sumama si Cathy sa mansion.

"Magandang umaga ho," bati niya kay Manang Lucrecia.

"Magandang umaga," bati ni Manang habang naghahanda ng umagahan nila. "Kumain ka, masarap 'yang luto ko."

"Salamat ho," nahihiyang pasalamat niya dahil hindi siya sanay na makisalamuha sa mga ito.

"Pinaluto ko ang favorite breakfast mo," sabi ni Manuel habang nilalagyan ng sinangag ang plato ng dalaga. May tuyo, tinapa, dilis na may kamatis at salted egg. "Kumain ka nang marami, nangangayat ka na."

"Kain po, Manang," yaya ni Cathy.

"Busog pa ako. Maaga pa akong kumain kanina."

"Manang, pakihanda naman po ng fresh orange juice para sa amin ni Cathy," sabi ni Manuel kaya napatingin si Manang sa binata. "Si Honey po, Cathy po talaga ang tunay na pangalan niya. She's my long girlfriend at anak ho namin ang kambal," paliwanag ni Manuel.

Ngayon at Kahapon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon