Unedited...
"Kain tayo, señorito."
"Naku, wag na ho."
"Marami kaming kanin, señorito. Kaso dahon ng saging lang ang lagayan namin."
Nagsaing sila kanina sa lilim ng puno at may isang nagdala ng dalawang manok kaya dito na nila kinatay.
"Ganoon ba?" ani Manuel at napasulyap kay Honey na may dalang dahon ng saging.
"May plato ako, gamitin mo na lang señorito."
"Huwag na. Dahon ng saging na lang," sagot ng binata. May inihaing ding inihaw na tuyo at kamatis ang isa nilang kasama kaya natakam siya.
"Sige na, kain na tayo. Tawagin na ninyo ang iba," sabi ni Mang Ambo.
Inilapag nila sa gitna ang malaking kaldero ng sinaing.
"Ito, señorito. Ikaw na ho ang gumamit ng plato," sabi ni Maria.
"Huwag na, magdahon ako ng saging," sabi ni Manuel at kumuha ng isang dahon ng saging para magsilbing plato niya.
"Buti ka pa señorito, marunong kang kumain sa dahon ng saging."
"Pareho lang naman sa plato. Ang pinagkaiba lang ay manipis itong saging pero pwede naman hong itapon.
"Ito señorito, gamitin mo tong tangkay ng saging, baka mapunit ang dahon ng saging," sabi ni Mang Ambo.
"Salamat."
"Kami ang dapat na magpasalamat, señorito dahil nakisabay ka sa amin. Ngayon lang kami nakakain na kasama ang amo namin," sabi Mang Isko kaya napangiti si Manuel.
"Sanay ho akong kumain sa ganito at kung hindi ninyo natanong, ganito rin ang trabaho namin noong bata pa kami. Madalas kaming sinasama ni Tatay sa palayan at maisan kaya kabisado ko na itong gawain," proud na sabi niya at nakaramdam ng lungkot nang maalala ang amain. Napasulyap siya kay Honey na kumakain gamit ang kamay sa ilalim ng punong malayo sa kanila.
"Taga saan ka, señorito?"
"Zamboanga ho. Isa akong—" napatigil siya sa sasabihin. "Isa akong aeta pero pinalaki ako ng mga subanon."
"Katutubo ka rin, señorito?" gulat na tanong ni Mang Isko.
"Opo, kagaya ninyo, isa rin akong katutubo."
"Kami naman ay mula sa tribung Ibaloi. Taga Mountain province talaga kami kaso nakilala namin si Don Romualdo. Sya ang nagbigay sa amin ng pag-asa. Inalok niya kami kung pwede kaming bumaba sa bundok at magtrabaho rito sa bukirin kapalit ng edukasyon ng mga anak namin," pagkukuwento ni Mang Ambo. "Marami ang nanatili sa Mountain province pero sumugal pa rin kaming limang magpamilya. Wala kasi eh. Doon lang kami. Naisip din namin ang mga anak namin. Ayaw naming lumaki sila sa bundok kagaya namin na pinagtatawanan ng mga tao dahil sa kakulangan sa edukasyon."
"Pareho lang din ho sa mga subanon. Nagsusumikap din po ang lahat sa amin," sagot ng binata.
"Mabuti at nakaahon kayo, señorito."
"Mayaman ho kasi ang nanay ko," ani Manuel saka tumayo. "Sige po, enjoy sa pagkain ninyo. Doon lang ako kakain sa ilalim ng puno."
"Sige, señorito."
Lumapit siya kay Honey.
"Hi, tabi tayo ha," aniya saka naupo sa tabi ng dalaga at nagsimulang kumain. "Ang sarap ng adobong manok."
Napatingin siya sa hawak ng dalaga. "May halo palang palaka ang adobo nila," aniya. Matagal na siyang hindi nakakain ng palaka pero kilala niya ang karne nito.
BINABASA MO ANG
Ngayon at Kahapon
HumorSa isang kabundukan sa Pangasinan(na hindi ko pa alam kung saan sa Pangasinan😂) naninirahan ang mag-ina bilang isa sa mga tauhan ng hacienda. Mahigpit na niyakap niya ang mga anak matapos takpan ang butas sa bubong dahil tumutulo sa lakas ng ulan...