chapter 2

1.8K 182 71
                                    










Unedited....






"Kuya, nasaan ka? Uy, nasa Pinas ka pa, 'no? Gamit mo pa ang Philippine number eh."

"Nasa Ilocos Region."

"Hmmp! Huwag ka nang magsinungaling. Sabi ng source ko, nasa Pangasinan ka at wala sa Ilocos."

"Pangasinan ay part ng Ilocos region! Mag-aral ka nga!" Hindi niya alam kung matatawa o mapapa-poker face.

"Ay, talaga? Hindi ko alam 'yan a."

"Aral ka kasi. Huwag puro nakaw ang gawin mo ha!" aniya.

"Grabe siya oh. Isa na lang po. Di ba nandiyan ang largest coal plant sa Pangasinan? Di ko lang alam kung saan yun sa Pangasinan," sabi ng dalagang kausap sa cellphone.

"So, change topic para kunwari may alam ka at para matakpan ang pagkamali mo?"

"Grabe ka naman, Kuya! Yan na nga lang ang paraan para makabawi ako doon sa magkaiba ang Ilocos region sa Pangasinan eh," natatawang sabi ng kausap.

"Sige na. Please don't tell them kung nasaan ako at di ko na gagamitin ang sim na 'to," sabi ng binata at tinapos ang tawag.

Napabuntonghininga siya at uminom ng kape habang nakatingin sa malawak na hacienda. Mahamog pa kasi alas sais pa lang ng umaga. May dalawang kabayo na iniwan sa kwadra para may magamit siya. Kasama na rin sa 70million.

"Good morning, señorito," nakangiting bati ng ginang at inilagay sa mesa ang ginawang rice cake. "Tikman mo po ang ginawa kong puto. Specialty namin 'to sa Calasiao kaya nakakagawa ako. Paborito 'yan ni Don Romualdo noong kabataan pa.

"Bakit pala namatay si Don Romualdo?" tanong niya.

"Sakit sa puso," sagot ng ginang at ngumiti. "Nauna pa siya namatay sa akin. Kababata ko siya. Doon na kami lumaki sa Calasiao pero napangasawa niya ang anak ni Don Luisito Edrosolan ."

"Ah, salamat po sa puto," pasalamat niya at tinikman ang bite sized na puto. "Hmm! Masarap po."

"Salamat naman at nagustuhan mo po."

Umalis na ang katulong kaya nakapagmuni-muni pa siya. Maliban sa pinakamalaking coal power plant sa bansa na may 1200 MW na nagpo-provide ng electricity sa Luzon mula noong 1999, ano pa ba ang pwede niyang maipagmalaki sa nabili niyang hacienda?

"Wala na!" nasambit niya. Kung bibili na lang siya rito sa Pangasinan, sana naman beach resort na kaso sobrang layo pa sa dagat.

Nang maubos ng kapeng barako, bumaba siya at sumakay sa kabayo para mag-ikot-ikot.

"Señorito, hindi mo ba hihintayin si señorita Joan?" magalang na tanong ng binatilyong tumulong sa kanya sa pagsakay sa kabayo.

"Hindi na, wala ho akong pasensya sa paghintay," nakangiting sagot niya. "Ano nga pala ang pangalan mo?"

"Juan po," magalang na sagot ng binatilyo.

"Sige. Salamat, Juan. Pasabi na lang na nag-ikot na ako," sabi niya at pinalakad na ang kabayo. Natuto siyang mangabayo sa islang tinuluyan niya noon hanggang sa tumungo siya sa Europa.

"Magandang umaga, señorito," magalang na bati ng matanda nang mapadaan siya sa palayan.

"Magandang umaga ho," magalang na bati niya at bumaba siyabat itinali ang kabayo saka nilapitan ang ilang magsasakang nagtatanim ng palay.

"Ang aga pa ninyo ah," aniya.

"Alas kwatro pa lang, nagsisimula na ang iba, señorito," sagot ng matanda.

Ngayon at Kahapon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon