Chapter 1

2.5K 169 13
                                    










Pano ako makapagsulat ng tragic story e ang kulit nyo!

Kung nagsusulat ka tapos balak pa lang magsulat. Tip lang. Be creative! Di na baleng mababa basta basta hindi mo kinopya! kung inspired by, bigyan ng credit! Siguro sa reader mo, unique siya pero alam mo sa sarili mong nangongopya ka ng istilo! Mataray na ako niyan😅 Pu-push ko to para di tayo maapi! Charot!😂









UNEDITED...






"Sa dinami-rami ng hacienda sa Pilipinas, sa Pangasinan pa talaga?" bulalas niya.

"Bakit? Anong mali kung sa Pangasinan?" tanong ng pinsan niya saka ipinatong ang mga paa sa ibabaw ng center table.

"Ang layo! At ano ang gagawin ko roon? Ne hindi ko nga maintindihan ang lengguwahe ng Pangasinense."

"Eh di magtagalog ka! Ano ang tingin mo sa taga Pangasinan, walang subject na Filipino? English din, gusto mo?"

"Ang layo ng Norte! Yaan mo na 'yon! Ayaw kong mag-handle. Babalik na ako sa Europe!"

"Tapos? Ano ang gagawin mo roon? Mamumukmok?"

"Magtatrabaho."

"Magtrabaho para saan?"

"Wala ka na roon!" sagot niya.

"Insan naman, need mo na magkapamilya."

"Gusto mong magkapamilya ako pero itatapon mo ako sa kabundukan?"

"Maraming isla sa Pangasinan. Di mo ba alam na sa kanila ang hundred islands? Maganda doon! Ang Pangasinan ang tinaguriang gateway sa Northern Luzon and heartland of the Philippines?"

"Anong connect sa pagbili mo ng mahal na lupa per square meter?" inis na tanong niya.

"Syempre nadadaanan ng lahat. Isang tambling lang, Ilocos na. Magandang negosyohan sa biyahero."

"Paano ako dayuhin ng biyahero kung sa kaloob-looban ang binili mong lupain?"

"Haist! Huwag ka na kasing magreklamo."

"Pera ko ang pinambili mo tapos hindi ako magrereklamo? Matino pa ba ang pag-iisip mo? Tigilan mo ako! Wala akong gusto sa hacienda at ang sabi ko, lupain ang bilhin mo para sa magsasaka! Hindi buong hacienda at ano 'to? Provincial rate lang dapat tapos ang presyo, dinouble mo pa?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"May kwadra naman at palayan. Isa pa, kapag hindi mo binili, mawawalan ng lupain at trabaho ang katutubong nandoon."

"Katutubo?"

"May mga katutubong naninirahan doon na kapag ibenta nila sa iba, palalayasin sila at pababalikin sa bundok. Paano naman sila?"

"Anong katutubo?" tanong niya na umiba ang mukha.

"Di ko pa alam. Ire-research ko pa kung ano ang mga katutubo na naninirahan doon tapos ipaalam ko sa 'yo."

Napaismid siya at inis na tinitigan ang pinsan.

"Seryoso ako, 'insan. Kailangan ka nila kaya binili ko iyon lalo na't balak nilang pagawan ng mining. Paano na lang ang Norte? Kaunting lupa pero mahalaga iyon sa ating mga katutubo. Paunti-unti nang nasisira ang kalikasan," may pagkamakatang sabi ng pinsan. "Kung gusto mo, ikaw na lang mismo ang bumisita roon. Tingnan  mo kung maganda ang rancho. Worth it iyon at masasabi kong hindi ka magsisisi kahit na sobrang mahal ang pagkakabili mo noon."

"Wala akong time!"

"Wala ka pa namang ticket pabalik eh.  Isa pa, bansa mo pa rin to. Alam kong mahalaga pa rin sa 'yo ang Pilipinas kahit na pilit mong iniiwasan."

Ngayon at Kahapon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon