Simula

162K 2.1K 85
                                    


Pasensiya na sa paghihintay. Kinailangan ko muna itong i-edit sa kadahilang madaming error. Pero kahit ganun sana magustuhan niyo parin.

Speacial NOTE: sa mga readers po na nakabasa na sa story kong ito. I just want to say na, maraming magbabago. Plot, settings, characters. Like, ugali nina Dafnie at Thea. I bet, mas lalo niyo po silang mamahalin. Hindi narin sina CALVIN at HARRY lang ang maghahabol kay SUZY RAIN. (Why not diba? She's a princess.) And a princess deserves a better prince.

And most of all, hindi lang si SUZY SUMMER at LAINE (tama ba?) Ang magiging kontrabida.

So now, bago ito basahin. Kumuha ng maraming clovers (para hindi kayo parusahan ni THEA), tissue, at katabi para may pagbuntungan ng galit, inis at sakit. Dahil paiiyakin ko kayo. Haha

Char! Char! 😁

-----

(present time)

SUZY RAIN CARIAS HEMILTON

"And for the final performance, bibigyan niya tayo ng isang magandang kanta na aantig sa ating puso. Ihanda ang damdamin at ating pakinggan ang magandang boses ng ating prinsesa. Ms. Suzy Rain Hemilton."

Nanginginig ang mga paa ko habang humahakbang patungo sa entablado. Hindi dahil sa kinakabahan ako, kundi dahil sa lungkot at sakit na nararamdaman ko. This day, aaminin kong talo na ako. Wala nang pag-asa na makamit ang kasiyahan kasama ang taong minamahal ng lubusan.

Yes, Right now brokenhearted ako.

Pagtapat sa mikropono. Hinawakan ko ito ng mahigpit gamit ang dalawa kong kamay sabay pikit ng mariin at mabilis na nagdasal. Ipinapalangin kong sana tama ang magiging desisyon ko. Na sana ako lang ang masasaktan at hindi siya. Dahil gagawin ko lang naman ito para sa kanya.

Kasabay ng aking pagdilat ay ang pagtulo ng aking luha. Maraming nagulat sa bigla kong pag-iyak. Bakit hindi, ngayon lang nila nasaksihan na ang kanilang prinsesa ay umiiyak sa kanilang harapan. Ang SHA ang sandalan ko sa lahat. Saksi ang mga minamahal kung kapwa estudyante sa hirap at sakit na dinanas ko sa laro ng pag-ibig.

"I-I know n-nagulat kayo. Pero sabi nga nila sa likod ng luha ay may nakatagong reason. N-nadito ako sa inyong harapan para kantahan ang isang taong may malaking bahagi sa buhay ko. Nakapag-isip-isip na ako. At sa kantang ito, nakalahad ang aking sagot. Kaya p-please lang, mahal ko pakinggan mo ito nang mabuti. Dahil ang kantang ito ay alay ko para sayo."

Muli akong napapikit at pinakinggan ang tunog ng gitara. Isang tunog na wari'y ikukulong ka sa sobrang kalungkutan.

Kasabay ng pagtulo nang aking mga luha ay siyang pagbuka ng aking bibig upang umawit.

"Somebody told me you were

leavin’ I didn’t know"

"Rain, aalis na siya. Kasama si Laine. Hindi ikaw ang pinili niya." Naaalala ko pa nung sabihin sa akin iyan ni Thea.

That time, wala akong ibang naririnig kundi ang mga salitang. 'Hindi ikaw ang pinili niya.'

"Somebody told me you’re

unhappy, But it doesn’t show"

Dahil alam kong ayaw mo akong saktan. Kaya ka nagkunwaring masaya ka parin sa piling ko.

"Somebody told me that you don’t

want me no more 

So you’re walkin’ out the door"

Don't Break My Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon