THIS IS A FLASHBACK....
tungkol sa pag-uusap nina Kylie at Harry sa Chapter 29 kung naaalala niyo pa. Gusto ko lang ibahagi ang tunay na nangyari sa kanila. I bet, curious din kayo.
Pov ito ni Kylie.
__________
KYLIE RAMIREZ
Habang naglalakad kami ni Harry papunta sa garden napapansin ko ang panginginig ng mga kamay niya. Wag niyang sabihing kinakabahan siya? Well, bakit nga ba hindi? Kasama mo lang naman ang isang taong kamukhang kamukha ng mahal mo. Mahal nga ba? O nabulagan lang.
Bigla kung naalala ang mga masasamang pangyayari sa buhay ko. Na kahit gusto ko mang ibaon na sa limot hindi ko parin kaya. Bawat pagtulog ko lagi akong binabangungot. Araw-araw ipinapaalala sa akin ng mga alaalang yun na hindi dapat ako maging mahina.
Nabitawan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Nakita kung tinignan niya ako pero diko siya pinansin. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang marating namin ang garden.
Umupo ako sa may damuhan habang siya nakatayo. "Tanong mo na gusto mong itanong."parang nawalan ako ng gana. Bat pa kasi pumasok sa isip ko ang mga alaalang yun.
"Ikaw ba talaga si Kylie Ramirez."
Pinagmasdan kung mabuti ang mukha niya. tsk! ang seryoso naman niyang magtanong. "Oo, ako nga siya. Tatay ko si Tom Ramirez at kapatid ko si Bea Ramirez. Tumira ako sa japan ng six years at kababalik ko lang nung nakaraang araw. May tanong ka pa?" although kasinungalingan lahat nang yun.
"Bakit kayo magkamukha ni rain?" seriously?
"ewan ko itanong mo sa tatay ko o kaya naman sa nanay ko baka sakaling alam nila."
"Bat mo ako kilala?"
Bakit nga ba? Bakit kilala ni kylie Ramirez si Harry Dela Cruz. Ni hindi ko naman siya kaanu ano. HIndi rin past lover dahil wala namang namagitan sa amin.
"Gusto kasi kita." straight to the point na sagot ko.
Mahabang katahimikan ang yumakap sa paligid. Nagulat ata hindi na makasagot.
"G-gusto mo ako?"
I smirked, nagugustuhan ko ang kabang nararamdaman niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang collar ng damit niya saka hinila palapit sa akin. Magkadikit ang mga katawan at magkalapit ang mga mukha. Kung may makakakita lang sa amin baka isipin nilang magkasintahan kami.
"Oo, ikaw gusto mo ba ako?" I trace his face using my right index finger. Namula ang pisngi niya. "Tell me Harry, gusto mo rin ba ako?" i said in a seductive way.
Napalunok siya, pinagpawisan bigla. Maya-maya'y itinulak niya ako ng mahina dahilan para mapahiwalay ako sa kanya. "H-hindi."
"Why?"
Don't tell me may gusto siyang iba. Kung meron man sino? si summer? O baka naman si Rain.
"Dahil si Rain lang ang mamahalin ko." lets give him around of applause. Sinungaling siya.
"Wow." Saka ako pumalakpak. Kahit sa loob loob gusto ko ng sumabog sa galit. "Ang suwerte naman ng Rain na yan. May Calvin na nga may Harry pa. Eh ang tanong asan siya ngayon?"
"Patay na."
"Hmm kawawa naman kayo ni Calvin. Nasa lupa na pala ang mahal niyo at inaamag."
Nagalit ata siya sa sinabi ko. "Wala kang karapatan na magsabi ng ganyan tungkol kay Rain. Hindi dahil magkamukha kayo ibig sabihin pwede mo na siyang pagsalitaan ng ganyan."
Tsk! Galit na nga. Pakielam ko naman dun? "Bat ka nagagalit? Tsaka patay na siya. Kahit ipagtanggol mo pa siya o sabihing mahal na mahal balewala narin. Patay na siya Harry."
"PERO SA PUSO KO BUHAY PA SIYA. AT IKAW ISA KA LANG BITCH NA NAGING KAMUKHA NIYA."
Bitch?
Naging malamig ang mga tingin ko para sa kanya. How dare him to call me that. Sa kanya pa talaga. "You know what, sa mga ganyang kilos mo. Iisipin kung may ginawa kang mali para saktan si Rain."
Gotcha. Natigilan si harry Dela Cruz. "Ano bang ginawa mo sa kanya harry? sinaktan mo ba siya? Kung oo, bakit mo yun nagawa? Mahal mo pero nagawa mong saktan. Tsk! your feelings is fake."
"M-mahal ko siya."
"Harry, pag mahal mo isang tao hindi mo siya sasaktan. Hindi ka gagawa ng paraan para mawala siya sayo."
"I know."
"Balita ko kapag namatay ang isang tao na punong puno ng sakit at galit ang puso maaari itong maghiganti. Kaya mag-iingat ka Harry, baka paggising mo isang umaga katulad ka na rin niya."
Hindi ako nananakot. Nagsasabi lang ng totoo.
"May sasabihin ako sayong secret. Atin lang ha?"
"Alam mo bang ang pamilyang Hemilton ang kinasusuklaman ko sa lahat." pagkarinig niya nanlaki agad ang mga mata. Tarsier ba siya? "B-bakit?"
"Bakit? wala lang. Pero alam mo gusto ko silang saktan hanggang sa hindi na nila kaya. Gusto kung marinig mula sa mga bibig nila na pagod na sila at gusto na nilang mamatay."
"Y-your a psycho."
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "No im not, puno lang ng galit ang puso ko Harry. At magiging panatag lang ako kapag nangyari ang mga gusto ko."
"H-hindi ikaw si Rain. Tama imposible."
"Hindi nga ako siya. Dahil ako ang babaeng magiging dahilan ng pagbagsak nila." Nagtangka akong lumapit sa kanya kaso umatras siya. " At ako din ang babaeng magiging dahilan para maluha ka ng husto. Mark my words harry. Mag-iingat ka baka isang araw hindi muna kayang mabuhay ng wala ako sa tabi mo." I smirked at him.
Pagtalikod ko ang ngisi ko ngayon ay napalitan ng nakakatakot na mukha.
Balang araw lahat sila luluhod sa akin.
___________
Okayy.... so anong say niyo?
Queston: Ano sa tingin niyo ang pag-uusapan ni Tom ramirez at ng doctor sa chapter 32?
By the way chapter 33 will be post as private. May mga dirty words, dirty scenes and act ang mababasa dun. Pasensiya na po.
Vote and comment
BINABASA MO ANG
Don't Break My Heart(Under Revision)
Teen Fiction"Minahal kita ng tapat at wagas. I did everything to make you stay. But, I guess hindi kayang burahin nang pagmamahal ko ang nararamdaman mo sa kanya. So, now I'm letting you go." _______ Story of SUZY RAIN HEMILTON Written by: miss_mrc