CHAPTER 3

29.5K 357 2
                                    

Editing

---

"Wag mo ng isipin ang nakaraan, ang mahalaga andito na ako. At lalagi lang ako sa tabi mo. Pangako yan." - SUZY HEMILTON

_____________

HARRY'S POV

"Bakit ngayon ka lang umuwi?" kanina ko pa yan tinatanong sa kanya pero kahit ni isang sagot wala akong nakuha.

Nakayakap lang siya sa akin na para bang natatakot na mawala ako sa kanya. Nahihiya narin ako kina thea at dafnie. Kanina pa nila kami pinapanood, kumakain din sila ng popcorn. Para tuloy silang nanonood ng sine. At kami ang bida.

"Suzy, sagutin mo naman ako." pilit kung tinatanggal ang yakap niya pero ayaw talaga. Para siyang tuko na nakakapit sa akin. But I admit, i like the way she hugged me. Pakiramdam ko ako lang ang taong nakikita niya.

"Suzy Hemilton." napatingin kaming tatlo kay Thea ng bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo.

"yes thea?" inosenteng tanong ni Suzy sa kanya.

"Di ka ba nahihiya? Kanina ka pa nakalingkis kay Harry. Kanina pa siya tanong ng tanong peo dika naman sumasagot."

"Oo nga." segunda naman ni Dafnie.

"Ganun ba? Hehehe sensya na, na miss ko kasi siya." sabay peace sign niya sa amin. Humiwalay narin siya sa akin ng kunti.

Ilang araw na ba? Tatlo? Oo tatalong araw na magmula ng magpakita siya sa amin. Sa mga araw na yun wala pa siyang sinasabi sa amin. Hindi siya nagsasalita tungkol sa mga nangyari sa kanya sa loob ng tatlong taon. Kating kati na rin ako, gusto kung malaman kung anong pinagagawa niya sa mga taon nayun. Pakiramdam ko kasi nag-iba siya. Masyado siyang clingy, at tahimik. Hindi siya ganito dati.

"Now, magkwento ka na." utos ni thea pagkaupo niya.

Bigla namang sumeryoso si suzy. Hindi ko pa nakita ang ganitong side niya. Ano ba talagang nangyari sayo suzy?

"Three years ago." simula niya. Pero kakaibang kaba na ang nararamdaman ko. Parang may mga pangyayari sa buhay niya na ayaw kung malaman. "Umalis ako tulad ng sinabi ko sa inyo. I went to France, kung saan nakatira si lolo."

"LOLO MO?" halos mapatalon ako sa biglang pagsigaw ni Tha. Grabe naman, natetense na nga ako nangugulat pa siya.

"Yes."

"P-pero, diba hindi kayo magkasundo ng lolo mo?"

Huh?

"Yes."

"Kung ganun bat dun ka nagpunta?"

"Kaya nga mag-e-expalin di ba?"

"Okay, sige salita na." Napakademanding naman nitong di thea. Baka mamaya masayado na pala naming na-fo-force si Suzy sa pagsasalita. 

"As I said, nagpunta ako dun. Nung nakita niya ako wala siyang sinabi kahit na isang salita. Tinanggap niya ako, at nagpapasalamat ako dun. Araw-araw nagkikita kami pero kahit isang beses di siya nagtangkang kausapin ako. Pinag-aral niya ako hanggang sa magtapos ako ng Kolehiyo. Two years na akong namamalagi dun ng magpunta sina mama at papa. Kung anong trato sa akin ni lolo ganun din sa kanila. Alam niyo namang sukdulan ang galit niya sa amin."

"Kung ganun bat dun ka pa nagpunta?" tanong ko sa kanya.

"Dahil sa tabi niya alam kung maproprotektahan niya ako. Nung umalis ako sa bansa natin, nalaman kung may nagattangka sa buhay namin ni papa. Hindi pa namin siya kilala, pero may suspetsya na si papa. Hindi ako kayang protektahan ni papa, kaya siya mismo nagpadala sa akin sa france."

Don't Break My Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon