Book 1
1. Bakit nagawang saktan ni Calvin si Suzy Rain noong mag-asawa sila?
A: dahil matagal ng kilala ni Calvin ang taong gustong pumatay kay Rain. Nakiusap siya na wag niyang gawin ang balak. Pumayag ang taong yun, kapalit ay sasaktan niya si Rain emotionally. Ibig sabihin, hindi niya iyon kagustuhan.
2. Anong ginagawa ni Harry sa Manila kung nasa Ilocos naman ang pamilya niya?
A: Si Harry ay nagpunta ng Maynila at nag-aral sa SHU for one reason. Para hanapin si Suzy. Ang babaeng mahal niya. Magse-second year na siya nung nakita niya si Suzy Rain. Para mapalapit kay Rain nagshift siya ng course at naging classmate sila.
3. Sino si Bea?
A: si bea po ay step sister ni Suzy Rain na gf naman ni Calvin(sa book 1). Siya ang bunga ng pagtataksil si Dany Hemilton sa asawang si Zandra. (Mga magulang ni rain). Namatay na ang nanay niya bata palang siya. Inampon siya ni Tom Ramirez (ang totoong kontrabida sa kuwento).
4. Sino si Laine?
A: she is a bitch! Yeah!!! Hehe, second love ni Calvin. Nakilala niya sa America. Nung time na nalulungkot at nasasaktan siya dahil sa pagkalayo nila ni Rain nakilala niya si Laine. Dinamayan siya minahal. Pero di alam ni Calvin, gold digger itong si Laine.
5. Ano ang ugnayan ni Calvin at Harry sa isat-isa?
A: bestfriend sila nung 1st year college. Pero nasira yun sa isang dahilan. (Malalaman sa chapter 21 ng book 2. Ang paghaharap nilang dalawa.)
Book 2
1. Sino ang totoong nakasama ni Harry sa Ilocos Norte?
A: si Suzy Summer, ang kakambal ni Rain.
2. Sino ang nabundol?
A: si suzy Rain po ang nasagasahan. Siya ang nakita at iniligtas nina Harry nun.
3. Eh paanong si Summer ang nakasama ni Harry sa Ilocos?
A: Ika-tatlong araw na ni Suzy Rain sa hospital ng ipagpalit ng Don silang dalawa. Binayaran niya ang mga doctor at nurse's para walang magsalita. Kinuha niya si Rain at ipinalit si Summer. So, sa ika-apat na araw si summer na ang nakasama ni Harry sa hospital.
4. Bakit nagpanggap na Suzy Summer si Rain?
A: sa angkan ng Hemilton, pag kambal ang anak isa sa kanila ang magdadala ng malas sa pamilya. Kung sino ang sakitin siya ang hindi pahahalagahan. At dahil si Summer ang mahina, napagpasyahan ng mag-asawang Dany at Zandra na paglaki nila si Rain ay magpapanggap na sakitin. And at the same time nagpapanggap din siyang summer sa mata ng mga tao kapag oras ng training.
5.anong ginagawa ni Summer?
A: si summer ay nakatago sa isang silid at nagpapagaling. Ibig sabihin, si rain lang ang nakasama ng mga Hemilton. Two personalities ika nga.
6. Anong nangyari sa france three years ago?
A: nung naghiwalay sina Calvin at Rain, pumunta siya sa France. Dun niya nakasama ulit ang kakambal. Magto-two years na siyang nakatira dun ng malaman niyang bumalik ulit ang sakit ng kapatid.
7. Nung nagbalik ang alaala ni Summer saan siya nagpunta?
A: ipinagpalit ulit sila ng Don. Kinuha niya si Summer, at ibinalik si Rain sa mga magulang.
8. Sa chapter 3 bakit ganun ang sinabi ni Rain?
A: nagsinungaling siya sa part na nadrugs siya kaya hindi niya naalala si Harry nung magbalik ang mga alaala niya. Dahil ang totoo, hindi naman siya ang nakasama ni Harry sa Ilocos
9. Sino si Louis? (Kung napapansin niyo ilan sa mga chapters ay Louie ang nakalagay. Nagkamali ako ng type.)
A: kanang kamay ng Don, mahalagang miyembro ng White mafia. Taga France at nakilala ni Rain nung nagpunta siya sa bansang france. Magaling magsalita ng tagalog, pero pag kaharap ang mga katunggali nagsasalita ng french. (Ewan kung bakit, hindi ko rin alam hehe)
10.. Bakit buhay si Summer?
A: ang akala ni rain patay na talaga ang kakambal. Pero di niya alam, plano lahat iyon ng sariling mga magulang. Kinuha nila si Summer at ipinagamot sa isang magaling na doctor. Yun ang dahilan kaya sila nagpaiwan sa France.
11. Bakit sila galit kay rain? Ang sarili nilang anak.
A: dahil mas mahal nila si summer kaysa sa kanya. Nang malaman nilang naiinggit si summer sa mga kayang gawin ni Rain ay napagpasyahan nilang pahirapan ang anak. Gusto din nilang maranasan ni rain ang nararanasan ni summer.
12. Anong hugis ng bato ang nakuha ni rain?
A: hugis bituin po, pareho sila ni Harry.
13. Ibig sabihin silang dalawa ang magkakatuluyan?
A: it depends po, sometime s kasi ang soulmate or destiny ay hindi totoong nangyayari. So, pwedeng hindi sila sa huli. O pwedeng sila sa huli.
14. Anong nangyari kay rain? Bakit siya nagbago?
A: sa lahat ng sakit na naranasan niya, napagod na ang puso niya. Sa ngayon ang masasabi ko lang, wala na siyang maramdamang pagmamahal para sa mga taong nasa paligi niya. Tanging sarili na lang ang iniisip at pinapahalagahan.
15. May mga magbabalik pa ba?
A: yes, magbabalik ang dalawang bitch's, sina bea at laine.
16. Sino po ang totoong makakatuluyan ni rain?
A: malalaman sa epilogue...:)
Four chapters to go...
----
Pasensya na kung maraming wrong typos. Mahirap magtype sa cp.
BINABASA MO ANG
Don't Break My Heart(Under Revision)
Teen Fiction"Minahal kita ng tapat at wagas. I did everything to make you stay. But, I guess hindi kayang burahin nang pagmamahal ko ang nararamdaman mo sa kanya. So, now I'm letting you go." _______ Story of SUZY RAIN HEMILTON Written by: miss_mrc