Harry's Pov for the first time. I hope you'll like it.
HARRY DELA CRUZ
Heto na naman ako. Nakatanaw sa kanya mula sa malayo. Naghihintay na baka sakaling mabigyan niya ako nang pansin. Pero paano mangyayari yun? Hindi niya ako maalala. Nabura ako sa isip at puso niya. Kailan ba ako magtitiis sa kakasulyap lang sa kanya.
Gusto ko na siyang mayakap at ibalik sa bisig ko. Maging masaya sa piling ng isat-isa katulad nang dati. Kung saan wala kaming iniisip kundi ang pagmamahalan lang namin.
"Tsk! Pare, kumurap ka naman baka mamaya maduling ka kakatitig kay Ms. Hemilton" ani ng kaibigan kong si Jerome.
"Ayos lang pare, basta't mabigyan niya lang ako nang isang saglit na tingin."
Napailing siya sa sinabi ko. "Ang nagagawa nga naman nang pagmamahal oo."
"Hindi kapa kasi nagmamahal kaya mo yan nasasabi. Pero once na nahulog ka sa bitag nang pagmamahal sinisigurado ko sayo pare. Mas magiging malala ang mangyayari sayo kumpara sa akin."
"Hindi yan mangyayari sa akin. Promise, pare. Teka nga lang, bat di mo siya kausapin. Sabihin mo na ikaw ang boyfriend niya. Ah este nakalimutang kasintahan."
Napabuntong hininga ako. "Kung sana ganun lang kadali. Pero hindi eh. Tsaka isa pa, balita ko ikakasal na siya." Kaya ano pang pag-asa ko?
"Ang tanong mahal ba niya yung papakasalan niya?"
Ewan ko, hindi ko alam at ayokong malaman. Masakit isipin na ang pinakamamahal mong babae ay may iba ng tinatangi. Ako? Nandito at binabantayan siya. Nagbabakasaling muling bumalik ang ala-ala niya Ala-ala ng aming pagmamahalan.
Flashback
"Uy, Harry pangit my loves anong nginingiti-ngiti mo diyan? Para kang tanga."
Napatingala ako sa itaas ng punong kinauupuan ko. Nakikita ko ngayon ang isang magandang babaeng nakaupo din sa sanga ng puno. May ngiti sa labi na kahuhumalingan ng lahat. Ang buhok nitong kulay brown na may pagkakulot ay nagniningning dahil sa sikat ng araw.
"Bakit? Masama bang ngumiti?" tanong ko sa kanya. Siya ang babaeng gumulo sa tahimik kong buhay.
"Oo, lalo na pag iba ang iniisip mo kaya ka ngumingiti." Nawala ang ngiti sa labi nito at napalitan nang nguso. "Dapat ako lang. Ako ang dahilan sa bawat pagtawa, pag ngiti at paghinga mo."
Tsk! siya na. Siya na ang possessive. Pero ayos lang, mas gusto ko yun. Dahil alam kong ako lang ang mahal niya.
Siya si Suzy, ang babaeng bumihag sa puso kong pihikan. Oo ako yung tipo ng lalakeng di madaling mainlove pero putcha! Nahulog ako sa babaeng to. Halos maglilimang buwan na siyang nasa poder namin dito sa Ilocos. Wala siyang maalala sa nakaraan niya kaya inalagaan siya ni mama. Nakita ko siya noon na nakahandusay sa daan at naliligo sa sariling dugo. Kami ni mama ang tumulong para mapagamot at mapa opera siya. Akala ko wala nang problema nang mabalitaan naming maayos na ang kalagayan nito. Pero hindi, dahil pagkagising doon namin nalaman na hindi nito matandaan ang tungkol sa sarili. Nalaman lang namin ang pangalan nito sa kwintas na nakasuot sa kanyang maputing leeg.
Nung una galit ang nararamdaman ko para sa kanya. Pakiramdam ko inaagaw niya ang pagmamahal ni mama. Bakit hindi? Magmula nang inuwi namin siya sa Ilocos, dagdag pasanin ang ibinigay. Si mama halos siya ang iniintindi at inaalagaan. Ngunit di nagtagal mas lalo ko siyang nakilala at unti unting nahulog ang loob ko.
"Bumaba ka nga. Baka mamaya mahulog ka diyan."
"Sasaluhin mo naman ako diba?" saka niya ako binigyan nang magandang ngiti.
BINABASA MO ANG
Don't Break My Heart(Under Revision)
Teen Fiction"Minahal kita ng tapat at wagas. I did everything to make you stay. But, I guess hindi kayang burahin nang pagmamahal ko ang nararamdaman mo sa kanya. So, now I'm letting you go." _______ Story of SUZY RAIN HEMILTON Written by: miss_mrc