CHAPTER 4

76.8K 955 44
                                    


SUZY RAIN CARIAS HEMILTON

Wala na'ng dating pagtingin

Sawa na ba sa 'king lambing?

Wala ka namang dahilan

Bakit bigla na lang nang-iwan?

CALVIN SANTOS, naiisip ko palang ang pangalan mo masakit na. Dapat ako yung galit! Ako yung iniwan, ang ipinagtabuyan, pinabayaan at sinisi sa kasalanang diko naman sinadya. Oo na, sa mata nila ako na ang masama. Pero bakit pati ikaw?

Sana'y dika na nangako. Umasa ako, pinanghawakan ko ang mga salita mong 'di mo ako iiwan.' Pero heto ako ngayon. Sirang sira.

You left me..

'Di na alam ang gagawin

Upang ika'y magbalik sa'kin

Ginawa ko naman ang lahat

Bakit bigla na lang naghanap?

Bakit hanggang ngayon ikaw parin! Kahit anong pilit kung kalimutan ka. Sayo parin ang puso ko.

Bakit pagdating sayo napakahina ko.

Hindi magbabago

Pagmamahal sa iyo

Sana'y pakinggan mo

Ang awit ng pusong ito

Tulad ng mundong hindi

Tumitigil sa pag-ikot

Pag-ibig, 'di mapapagod

Tulad ng ilog na hindi

Tumitigil sa pag-agos

Pag-ibig, 'di matatapos

"Aray." Napahawak ako sa ulo kong saan binatukan ni Thea.

"Nakakaramdam ka din pala?" Namamanghang tanong niya. Sa lalim nang pag-iisip nakalimutan kong nasa tabi ko lang pala ang dalawang baliw na'to.

Tinignan ko nang masama si Dafnie nang tumawa siya. "Walang nakakatawa."

Tumahimik siya at nagkatinginan sila ni Thea. Nagpakawala ako nang malalim na hininga. Sabay higa sa damuhan.

Nasa field kami ngayon ng SHA. Hapon na kaya hindi masyadong masakit sa balat ang sinag ng araw. Dito kami madalas tumambay na tatlo kapag wala nang klase. Tahimik tuwing martes dahil di ito nagagamit ng mga players para mag ensayo.

Itinakip ko ang kanang braso sa mga mata at napapikit. Kung maaari lang ayoko munang mag-isip nang kong anu-ano. Lalo na yung lalaking gwapo at mapanakit.

"May problema ba Suzy?" Batid ko ang pag-aalala sa boses ni Dafnie.

"Kahapon nakita ko na yung future husband ko." Pag-uumpisa sa sensitibong topic.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong naman ni Thea. "Gwapo ba?"

Super

Don't Break My Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon