SUZY RAIN CARIAS HEMILTON
Habang pinagmamasdan ko ang sarili sa salamin naisip kong ang swerte naman ng magiging asawa ko balang araw. Wala na siyang hahanapin sa akin. Maganda? Check! Sexy? Super duper check! Mayaman? Big check! Mabait? Super duper big check!
Subukan niya lang mag-inarte, ipapasalvage ko siya. Tsk! Sana hindi siya pumasa sa standards ko. Kainis naman kasi, nasa 21st century na tayo pero meron paring arranged marriage na nangyayari. Pasalamat ang mga magulang ko at mahal ko sila. Kundi hinding hindi ako sisipot sa usapang dinner date ngayon.
"Suzy, are you ready to go?" Mula sa pinto, narinig kong sabi ni mama.
"Yes ma." Bumuntong hininga ako bago lumapit sa pinto at binuksan ito.
Bumungad sa akin ang masayang mukha ni mama. Na akala mo'y nanalo sa loto. Ang mga mata niya'y nagniningning at sinasabing 'I'm so proud of you.' Pwede ko rin bang sabihin iyon sa kanila? Sa tingin ko hindi.
Pinilit kong ngumiti at umikot sa harapan niya para ipakita kong okay ba ang damit ko. "It suits you. Ang ganda mo anak." Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. "And I'm sure ipagmamalaki ka ng magiging asawa mo. "
"Ma, wala na ba talagang urungan to?"
"Suzy alam mo naman kong bakit ka nasa ganitong sitwasyon diba?"
"Business!"
"I'm so sorry baby, wala akong magagawa. It's your father's choice. I don't have the power para pigilan siya sa bawat desisyong gagawin niya."
"I understand ma." Ang lalake ang siyang laging nasusunod. Fuck this life.
"Lets go?" Isang tipid na tango ang isinagot ko bago nagpahila palabas sa kwarto. Habang dumadaan kami sa may hagdanan, nakahilera naman ang maraming bodyguards at maids sa ibaba na parang hinihintay ang pagdating ng kanilang mga reyna't prinsesa. Which is us.
Pagdaan namin lahat sila'y yumuko at walang naghabas na tumingin kahit ni isa hanggang sa tuluyan kaming nakalabas sa bahay.
"Faster, i don't want to ruin this day because of your laziness Suzy Rain." Malamig at galit na sabi ni papa pagkakita sa amin.
Minadali namin ni mama ang paglalakad at sumakay sa limousine na nakahanda para sa aming biyahe.
"Pag nandun na tayo ipakita mong tanggap mo ang kasal na mangyayari. Wag mo akong ipahiya sa harapan nila Suzy Rain."
"Yes father." I gave him a simple nod bago ibinalin sa labas ang tingin. What a beautiful life.
"Baby, are you okay?" Bulong sakin ni mama. Bumuntong hininga muna ako bago tinignan si papa, busy na siya sa pagbabasa ng newspaper at makikita ang seryosong mukha niya. Ganyan ang pakikitungo niya sa akin. Malamig at parang walang pakielam. And I know the reason why, kaya di na lang ako kumukontra sa lahat ng gusto niya.
Tumingin ako kay mama. She has this kind of smile on her face, na nagsasabing everything's gonna be alright. I salute her for loving a man like him. Nasasaktan na nga siya pero pilit parin niyang pinakikisamahan si papa. And that's because of love. Martyr na kong martyr pero alam kung hinding hindi niya iiwan si papa.
"Yes ma, I'm okay." Yeah, what a big lie.
Nakaramdam ako ng bahagyang pagyugyog sa aking balikat. Nagbukas ako ng mga mata at nakita ko si mama. Nakatulog pala ako sa biyahe. "Were here, fix yourself now Rain." Napasuklay na lang ako sa buhok bago sinundan si mama palabas ng sasakyan.
Pinagmasdan ko ang paligid. Isang puting mansion ang bumulaga sa aking paningin. Napapalibutan ito ng maraming rosas. Aakalain mong nasa isang kang fairytale land. Bumukas ang malaking pintuan nito at lumabas ang isang lalakeng kasing edad lang ni papa may kasama rin itong dalawang bodyguards. Tsk! Magaling pumili si papa.
BINABASA MO ANG
Don't Break My Heart(Under Revision)
Teen Fiction"Minahal kita ng tapat at wagas. I did everything to make you stay. But, I guess hindi kayang burahin nang pagmamahal ko ang nararamdaman mo sa kanya. So, now I'm letting you go." _______ Story of SUZY RAIN HEMILTON Written by: miss_mrc