HARRY DELA CRUZ

24.2K 203 13
                                    

Nakita ko kung paano yakapin ni Calvin si Rain.

Ramdam ko ang tunay at wagas na pagmamahal dun.

Napangiti nalang ako kahit sa loob ng puso ko masakit.

Gusto kung harapin si Rain at sabihin din ang nakaraan namin. Pero ano pa? Sa huli alam kung si calvin parin naman ang pipiliin niya.

Siguro isa lang akong instrumento na ginawa ng Diyos para malaman kung gaano katibay ang pagmamahalan nila para sa isat-isa.

May inilabas si Calvin mula sa bulsa ng suit nito at isinuot sa palasingsingan ni Rain.

Napamulsa nalang ako at umalis.

Kung tutuusin ako ang unang nakakita kay Rain noon.

Una ko siyang nakita sa miracle fountain. Nakatingin lang siya dun at para bang malalim ang iniisip.

Sobrang gulat ang naramdaman ko nun. Hindi ako makapaniwalang buhay si Rain.

Balak ko sanang sabihin iyon kay Calvin kaya ako nagpunta sa bahay ng mga hemilton.

Pero di pa ako nakakalapit sa mansiyon nakita ko na siyang kausap ang babaeng mahal namin.

Nung araw nayun, alam ko na.

Natalo ako.

Nasaktan ko si Rain noon ng sobra. Kaya naman ngayon pasisiyahin ko siya.

Pakakawalan ko na ang nararamdamn ko para sa kanya.

Kahit mahirap pipilitin ko siyang makalimutan. Magiging mabuti akong kaibigan para sa kanila ni Calvin.

Hindi man siya naging akin...

Panatag parin ako.

Dahil nasa tama siyang lugar.


At iyon ay sa tabi ni Calvin.

Napangiti ako. Atleast nakita ko ulit ang mga ngiti niya.

"Sa huling sandali. Hayaan mong sabihin kuna....mahal kita Suzy Rain Hemilton."


---

Next chapter ay ang pinakalast na po talaga.




Don't Break My Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon