CALVIN SANTOS
"Babe, Hindi mo ba talaga kayang patigilan ang kasal niyo ng babaeng yun?" Tanong ni Laine habang nakasandal sa aking dibdib. Nandito kami ngayon sa binili kong apartment para sa aming dalawa. Kasalukuyan kaming nakahiga sa sofa at nanonood ng netflix .
Yes, nagsinungaling ako about sa next week pa siya darating dito sa Pilipinas. The truth is magkasama kaming umuwi nun at sadyang hindi ipinaalam sa kahit kanino. Laine is my life she makes me happy. Noong umalis ako sa Pilipinas akala ko wala nang saysay pa ang buhay ko. My one and trully love leaves me many years ago. That scheming woman, screw her this is all her fault. It took me 3 years bago nakalimutan ang nakaraan. Thanks to Laine, binago niya ang pananaw ko sa buhay. Ang dating walang saysay na buhay ngayon ay punong puno ng pangarap.
Laine Anderson, a beautiful woman na half Pilipina at Half American ay nakilala ko sa New York nung nanirahan ako doon. She's a lowkey model dahil di naman siya ganun kasikat. She has a simple family na hindi kilala ang angkan unlike us ni Suzy na kahit sa ibang bansa ay hinahangaan at tinitingala ang aming pamilya.
"Kung kaya ko lang matagal ko nang ginawa. Sa kanila parin nagmumula ang mga perang winawaldas ko. Wala pa akong sariling trabaho Laine unlike you na kahit kaunti lang ay meron ng source of income. Oras na hindi ako sumipot sa kasal itatakwil nila ako bilang anak. Wala akong ipambubuhay sayo."
Kasalanan lahat ito ni Suzy. Sa aming dalawa siya lang ang may kakayahan na itigil ang kasal. She's powerful than me pero wala naman siyang ginagawa.
"I have money Calvin hindi man kasing laki ng yaman mo pero pwede na para sa atin. Lumayo tayo at mamuhay ng masaya."
"No, ako ang dapat bumuhay sayo. Wag kang mag-alala. Magsasama rin tayo ng walang humahadlang. Ikaw ang mahal ko. Iyan ang panghawakan mo." Hinalikan ko siya sa kanyang noo. I really love her, hindi man kasing ganda at yaman ni Suzy but for me? She's everything that I want. All I need to do is to secure our future.
"But what if, matutunan mo siyang mahalin? Paano ako?" Hinawakan ko ang kanyang mukha at tinitigan siya sa kanyang mga mata.
"Nope, hindi iyan mangyayari. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Pangako ko yan sayo. Binago mo ako ikaw ngayon ang kahinaan at buhay ko. Ikaw lang sapat na kaya bat ako maghahanap ng iba? All I want you to do is wait. Darating din ang araw na malaya tayong magmamahal." I kiss her lips and slightly pat her head. "Matulog ka na mahal. Wag ka ng mag-isip ng hindi magagandang bagay."
Napabuntong hininga ako ng malalim habang tinitignan ang maamong mukha ni Laine. Bakit sa akin pa ito nangyari? Masaya na akong namumuhay sa America. Pero gumuho iyon nang sabihin nina mama at papa ang balitang magpapahirap sa akin.
I can't marry Suzy. I know, may ibang lalakeng nakatakda para sa kanya. I can't be that guy. Hindi ako karapat dapat sa kanya.
I will never be.
Bzzt
Bzzt
Kinuha ko ang cellphone ni Laine na nakalagay sa lamesa at binuksan ito. It's a message galing sa papa niya. Hindi ko pa ito nakikilala ng personal dahil lagi raw busy sa trabaho kaya walang time makipagkita sa akin. Iyon ang sabi ni Laine.
Where Are you? Umalis ka nang di nagpapaalam! Punyeta kang bata ka. Siguraduhin mo lang na magagawa mo ang mga pinagplanuhan natin kung hindi malalagot ka sa akin.
Ganito ba ang pagtrato sa kanya? Kaya ba ayaw niyang ipakilala sa akin ang ama dahil hindi maganda ang samahan nila? I think kailangan kong malaman ang pagkatao ng mga magulang ni Laine. Baka mamaya nasa panganib na pala ang buhay ng aking mahal sa kamay ng mga magulang nito.
BINABASA MO ANG
Don't Break My Heart(Under Revision)
Teen Fiction"Minahal kita ng tapat at wagas. I did everything to make you stay. But, I guess hindi kayang burahin nang pagmamahal ko ang nararamdaman mo sa kanya. So, now I'm letting you go." _______ Story of SUZY RAIN HEMILTON Written by: miss_mrc