CHAPTER 6

54.1K 668 14
                                    

 
    

  
      SUZY RAIN CARIAS HEMILTON

Kanina ko pa gustong pagbabatukan ang dalawang kasama ko. Magmula kanina iba na ang mga ikinikilos nila. Lagi nila akong tinutukso. Ang sweet daw namin ni Harry. Eh, ano bang ginawa naming dalawa? Wala akong matandaan, nagtitigan lang kami. Ni diko nga siya kinausap tapos SWEET kaagad? Asan ang hustisya!

Isa pa tong lalakeng to, sa halip na sa likod ko umupo nakipagpalit ng upuan kay Dafnie, at ang babaeng iyon traydor! Iyan tuloy magkatabi kami.

"Mahal ko." hayan na naman siya. Kung anu-ano ang itinatawag sa akin. Mahal daw? Takte naman oh! Ako ba pinaglalaruan ng tatlong ito? Galit sa akin si Harry diba! Ni ayaw niya sa isang tulad ko. Tapos bigla bigla mahal daw?

At isa pa tong puso ko, hindi mapakali tuwing tinatawag akong ganun ni Harry. Para bang matagal ko nang hinihintay na tawagin niya ako nang ganun. Ewan, siguro naguguluhan lang ako lalo na't iba ang ikinikilos nilang tatlo.

"Pakopya ako." tinignan ko siya nang masama. 

"Pwede ba wag mo akong kulitin. Mag concentrate ka sa sarili mong test paper. Ginugulo mo ako." mahinang sabi ko sa kanya. Baka mamaya marinig kami ni professor Agnes. Tuso pa naman iyon. Hindi dahil ako ang may-ari nitong campus eh di na ako susunod sa mga rules.

"Eh, ikaw ang nasa tabi ko kaya paano ako makakapag concentrate?" isisi pa talaga sa akin. Batukan ko kaya para matauhan.

"Pakopyahin mo na lang ako. Di kaba naaawa sa akin?" 

"Tatahimik ka o sisirain ko yang bunganga mo?"

"Sa anong paraan? Masakit ba o mahirap?"

Yuck!!! "PERVERT"

Tumawa siya nang malakas dahilan para mapalabas kami nang tuluyan. Mabuti na lang at nasagutan ko na lahat ang mga questionaires sa test. Kung hindi makakatikim na to sa akin.

Paglabas namin hindi ko siya pinansin. Bahala siyang mabulok sa kung saan niya gustong pumunta. Isinali pa ako sa katangahan niya pasalamat siya't matalino ako.

"Sandali mahal ko! Hintay." kasasabi ko lang na mabulok siya may balak pa atang isama ako ulit.

Mas binilisan ko ang paglakad, sa sobrang iwas ko sa kanya diko namalayang nakalabas na pala ako ng gusali at kasalukuyang nakatayo sa parking area.

"SUZY" Napatingin ako sa gawi ni Harry. Malapit na ito sa akin.

Tumakbo ako papunta sa mga kotse saka yumuko para hindi na niya makita. Bawat sasakyang nadadaanan ay hinahawakan ko ang pintuan baka sakaling may nakabukas.

"SUZY ASAN KA?"

Pagtapat ko sa kulay blue na kotse nanalangin muna ako bago binuksan ang pintuan.

Yes

Ang tanga naman ng may-ari nito. Iwan ba naman ang sasakyan nang bukas. Isinara ko ang pinto, pumunta sa backseat tsaka humiga.

Lumipas ang limang minuto,  umupo ako at sumilip sa bintana. Napatakip ako sa bibig ng mahigpit para pigilan ang sariling sumigaw. Paano ba naman sabay kaming tumingin sa bintana. Ang pinagkaibahan, nasa loob ako samantalang siya sa labas.

Mabuti na lang at tinted ang salamin kaya di niya ako nakikita. Napakamot siya sa ulo. Hindi ko alam kong bakit pero napangiti ako sa kunting kilos niya.

Gwapo siya, iyon ang hindi ko maipagkakaila sa sarili. Sa lagay niyang yan marami ang maghahabol at pipila para lang maangkin siya. Kaya laking pagtataka ko kong bakit ako pa ang kinukulit niya? Ang daming iba diyan. Mas maganda at matalino. Iyong pwede mong ipagmalaki.

Don't Break My Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon