AUTHOR'S POV
Pagdating ko sa kusina nanlaki ang mga mata ko sa gulat at inis.
Napakakalat, lahat ng pagkain nasa sahig. Ang mga kaldero at kaserola ay halos hindi na ata nahuhugasan.
Masamang tingin ang ipinukol ko sa dalawang taong salarin.
Kung bat dito pa sa kusina nila napiling maglandian.
"Bea at Calvin." Ng makita nila ako gusto kung matawa. Gulat na gulat sila.
"B-bakit author?" Kinakabahang tanong ni Bea.
"Alam ninyong nasa bahay ko kayo diba?"
"Opo." Parang batang napagalitan ang itsura ni Calvin ng sumagot.
"Linisin ninyo iyan kung ayaw niyong ipakain ko kayong dalawa sa alaga kung buwaya."
Nakita ko kung paano sila nanginig. Well, dapat lang. Sa bahay nato ako ang reyna..(haha etchuss)
Iniwan ko sila para maumpisahan nila ang gawain.
Lumabas ako sa bahay para magpahangin sa pinakamamahal kung garden.
Pagdating ko nakita ko sina Summer at Harry. Nakahiga sila sa damuhan at magkayakap pa.
Gosh, ang umagang umaga naglalambingan na ang pinaggagawa.
Tahimik akong lumapit at umupo sa tabi nila. "Wow ang sweet. Inggit ako."
Agad silang napabalingkwas upang tumayo at takot na tumingin sa akin. "Oh bat kayo natatakot? Hindi ko kayo kakainin kaya chilax lang guys."
Sabay silang napabuntong hininga. "Bat kayo nanditong dalawa?"
"Uhm, nagpapahangin lang author." Napataas ako ng kilay sa sagot ni Summer. "Talaga? Nagpapahangin o para magharutan?"
"H-hindi po."
"Tsk! Dahil nandito narin lang kayo. Bunutin niyo ngayon din ang mga ligaw na damo. At gusto ko malinis na malinis ang garden. Maliwanag ba?"
"Opo." Sabay nilang sagot.
Tumayo ako at naglakad papasok sa bahay.
Nakita ko ang mag-asawang Dany at Zandra. Humihikab pa si Dany habang si Zandra ay nakapikit. Mabuti na lang at nakayakap ito sa asawa kundi kanina pa siya nadapa.
Patungo sila sa kusina. Well, goodluck nalang sa kanila.
Tumungo ako sa kwarto ng pinakamamahal kung couple. Well, sila lang naman kasi ang magandang tignan sa mata habang naglalambingan.
Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang umiiyak na si Rain.
Ng makita niya ako agad siyang yumakap sa akin. "Why are you crying?"
"Y-yung lalakeng yun napakasinungaling. S-sabi niya mahal niya ako pero nagawa niyang mambabae."
"Sandali nga lang." Binitiwan ko siya at pumasok sa kwarto.
Nakita ko si Louis na umiiyak sa gilid ng kama nila. Yakap yakap ang puting polo.
"Hoy, anong sinasabi ni Rain na niloloko mo siya?"
Tumingin siya sa akin. Mugtong mugto ang mga mata sa kakaiyak.
"Author, h-hindi po iyon totoo. Mahal ko po siya."
"Eh ano ying sinasabi niya?"
"Heto po." Iniabot niya sa akin ang hawak na polo.
Kinuha ko ito at napansin ko agad ang kiss mark sa bandang kuwelyo nito.
"Ano to?"
"I-iyan po yung kiss mark ni Rain kagabi. Akala niya sa ibang babae. Alam niyo naman pong makakalimutin ang babaeng iyon. Nakatikim pa akk ng sampal. Mabuti na lang at mahal ko ang babaeng iyon."
"Pagod ka na sa kanya?"
"Medyo." Honest ha.
Masubukan nga.
"Eh di iwan mo na. Maghanap ka ng i-"
"AYOKO! HINDI KO SIYA IIWAN."
"At bakit? Akala ko ba pagod ka na sa kanya?"
"Opo, pero hindi naman ako mabubuhay kapag nawala siya sa akin. Mahal ko siya. Akin lang siya. Magtitiis na lang ako sa ugali niya."
Magsasalita sana ako ng biglang may sumabat.
"Ako din, mahal kita." Lumapit si Rain kay Louis at yinakap ito. "Sorry, sa nagawa ko."
"Ayos lang. Sa susunod wag kang padalos dalos. Magtanong ka muna."
"Opo."
"Okay na?" Tanong ko sa kanila.
Sabay silang tumango.
Lihim akong napangiti bago umalis sa silid nila.
Hay ang mga batang iyon talaga.
Kaya ko sila mahal eh.
Dahil alam nila kung paano magmahal ng tunay.
----
Etchuss lang po ito.
Nasagi lang sa isip ko. Pero dahil may pagkabaliw ang author isinulat ko agad..
Haha.

BINABASA MO ANG
Don't Break My Heart(Under Revision)
Teen Fiction"Minahal kita ng tapat at wagas. I did everything to make you stay. But I guess, hindi kayang burahin nang pagmamahal ko ang nararamdaman mo sa kanya. So now, I'm letting you go." _______ Story of SUZY RAIN HEMILTON Written by: miss_mrc