Poem #19

1 0 0
                                    

Alaala

(Written on: 02/24/20)


Ang mga alaalang gusto kong ibaon,

Sumusulpot na lang kahit anong baon.

Preso ng nakaraang nais limutin,

'Sana'y panaginip', yan ang panalangin.


Ang reyalidad na pinilit takbuhan,

Katotohanang aking kinalimutan,

At ang damdaming aking sineselyohan,

Lumalabas na, kahit pa pinipigilan.


Ang gusto ko lang naman ay makalimot,

Sa aking puso ay wala namang poot,

Kaya tadhana bakit ka ba ganito?

Lalo mong pinalalalim ang sugat ko.


Parang sugat na binudburan ng asin,

Lalo lang sumasakit bawat minuto,

Lalong nag-iiwan ng bakas sa puso,

At hindi matanggal anumang gustuhin.


Alam ko namang lilipas ang panahon,

At ang sugat na ito ay maghihilom,

Ngunit mananatili ang alaala,

At sa oras na iyon ay tanggap ko na.


Tanggap ko ng hindi ka na babalik pa,

Tanggap ko nang ang tayong nakamit ko na noon pa,

Di na babalik sa ngayon na wala ka na,

Tanggap ko ng wala na akong babalikan pa.

~*~

Food for thought, guys? Kamusta naman itong poem #19?

Poems By Yours TrulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon