Poem #15

2 0 0
                                    

Quondam

(Original Date Written: 09/25/18)


I

Habang nakatingin sa mga ulap,

Inaalala yung mga panahong ako ang nakikiusap,

Para sa damdamin mong mailap,

Na ang alay ko ay matanggap.


II

Noo'y sinusuyo kita,

Gumagawa ng paraan para makita,

Sa'yong bahay bumibisita,

Para lang maipakita kung gaano ka sinisinta.


III

Umabot ng ilang buwan,

Pagsuyo'y merong katapusan,

'Pagkat iyong napusuan,

Ang mahigpit kong kalaban.


IV

Sa'yong desisyo'y napaisip,

At nagtatanong kung bakit?

Pero nanatiling tahimik,

At tinanggap ng paunti-unti.


V

Lumipas ang mga taon,

'Di na nagawang lumingon,

Sa aking kahapon,

'Pagkat abala sa ngayon.


VI

Ngunit biglang bumalik ka,

At ginulo ang mundong payapa.

Pinipilit na mahal pa rin kita,

Kahit na walang pruweba.


VII

Nagulo ang isip ko,

Pero agad ko ring napagtanto,

Nakaraa'y wala ng epekto,

Dito sa aking puso.


VIII

Aking pipiliin,

At patuloy na mamahalin,

Kahit na paulit-ulitin,

Siya lang kahit na 'di pilitin.


IX

Nararamdama'y sa kanya lumipat,

'Pagkat ako uli'y sinipat,

Ni Kupidong masipag,

Sa isang taong karapat-dapat.


X

Kaya iyong pagpasensyahan,

At unawain na lang.

'Di na ako tulad ng nakaraan,

Na ang mundo'y umiikot sa'yo lamang.


*************************

Hi guys, I'm back! Pasensya na, ngayon ko lang ulit nabuksan ang account ko dito sa Wattpad. Busy lang sa pag-aaral lalo na't STEM strand ang pinasukan ko🤯😭✌️ Pasensya na rin kung di ko kinumpleto 'to bago ako umalis, sorry. Peace tayo😅✌️

Poems By Yours TrulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon