Poem #13

3 0 0
                                    

Paano ba?

(Written: Present Date; 05/14/18)

I

Paano ko ba sisimulan,

Isang tulang walang katuturan,

Tulang pinag-isipang mabuti,

Kahit ilang oras ng nagmumuni-muni.

II

Anong tema naman kaya?

Ang aking ibabahagi sa madla.

Tungkol sa personal ba?

O tungkol naman sa iba?

III

Nakakasawa rin pala,

Mag-isip ng walang kwenta,

Kahit na sa iba'y may halaga,

Ngunit sa aki'y wala.

IV

Kung tungkol sa pag-ibig,

Walang lumalabas sa'king bibig,

Kahit tungkol sa buhay,

'Pagkat ang sa aki'y walang kulay.

V

Naghahanap ng inspirasyon,

Kahit lamang sa imahinasyon.

Hinahanap aking halaga,

'Pagkat parang ako'y walang kwenta.

VI

Maaaring magbigay ng payo,

Para sa mga pusong nagdurugo,

'Wag masyadong mag-expect,

'Pagkat hindi alam ang effect.

VII

Alam kong wala itong sense,

Kahit sa mga may common sense,

Ngunit kailangan ko lang masabi,

K****** nasa isipan kita lagi.

VIII

Kahit hindi direkta,

Basta ang mahalaga,

Nasabi ko na,

Na gustong-gusto kita.

IX

Ilang beses ng nagtangka,

Ngunit umuurong ang dila,

Tila ba naduduwag,

At sinasabi ng isip ay "WAG."

X

Hindi ko naman masasabi,

Kaibigang meron ako ay marami,

Ngunit sapat na sila,

Upang ako'y maging masaya.

XI

Ang sarap magpakatotoo,

Sa harap ng maraming tao,

Dahil wala kang niloloko,

Kahit isa sa nakapaligid sa'yo.

XII

Hindi mo kailangang magpanggap,

Dahil meron at meron sa'yong tatanggap,

Kaya't wag malulungkot,

'Pagkat walang nagmamaramot.

XIII

Buhay o love life man yan,

Lagi sana nating tandaan,

Maghintay sa tamang tiyempo,

'Pagkat may nakareserba sa'yo.

XIV

Hindi makapaniwala,

Napagsama ko ang dalawa,

Temang kanina'y pinagpipilian,

Ngayon nama'y parang abstract na nabuo.

XV

Ngayon naman ay paano ba?

Paano ko tatapusin ang nasimulan na?

Sa title ba ng tula?

O sa isang katanungang mahiwaga?

XVI

Hindi ko alam kung pa'no nga ba,

Kaya kayo na lang ang bahala.

Ngayo'y humihingi ng paumanhin,

'Pagkat kayo'y aking nabigyan pa ng alalahanin.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mwehehehehe! Sori po kung ngayon lang ulit nag-UD, tinatamad po eh 'sensya na.

Ngayon lang din po uli gumana utak ko eh hehehehe!!!!!! PEACE!!!

By the way, highway (Corny ng jokes hahahaha) Comment na lang po sana kayo kahit wala ng vote, para sa'kin mas thoughtful yun pero kung gusto niyo talaga, 'la ko magagawa.

Love you Readers!! MWUAH! *KAWAY* *KAWAY* Hanggang sa muli.

-Aieai_14

Poems By Yours TrulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon