Poem #8

6 0 0
                                    



Nawala

(Original Date Written: 01/17/18)

I

Nakatingin sa kawalan,

Nagbabalik-tanaw sa nakaraan,

Iniisip kung alin,

Ang aking dapat gawin.

II

Nawalan ng inspirasyon,

Dahil sa maling desisyon.

Pinagsisisihan ng lubos,

Pagkat pagmamahal ay naubos.

III

Huli na ng malaman,

Aking tunay na nararamdaman,

Nawala na ng tuluyan,

Naglaho ka ng biglaan.

IV

Lumingon na sa iba,

At ako'y kinalimutan na.

Naiwang mag-isa,

At lubos na umaasa.

V

Nagbubulag-bulagan tuwina,

At iniisip na ako sana,

Ang iyong madalas na kasama,

Sa bawat oras ng iyong paghinga.

VI

Pero ngayo'y napagdesisyong tapusin na,

Ang ilusyong ako mismo ang naglikha,

Maghihintay na lamang ako,

Na dumating ang tamang tao.




Credits to my Classmate girls. Thanks guys for helping me in this one. Love y'all, muah ;*

Poems By Yours TrulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon