Poem #10

6 0 0
                                    

Crush

(Original Date Written: 02/09/18)

I

Crush, paghanga, pagkagusto,

Katulad ng nararamdaman ko para sa'yo.

Pinagmamasdan ka mula sa malayo,

Hinahangaan ng patago.

II

Nangangarap ng mataas,

Gaya ng mahawakan ang kamay mo,

Pero alam kong panaho'y lilipas,

Ng hindi pa rin nahahawakan ang mga ito.

III

Ah, ilang beses ko na nga bang hiniling,

Sa langit na tuparin,

Ang pangarap ng pusong ailing-aling,

Na iyong mapansin?

IV

Pero wag mangamba,

Dahil ako'y nasa katinuan pa,

At ang desisyon,

Gawin kang aking inspirasyon.

V

Inspirasyong dadalhin ko,

Hangga't nasa puso ko,

Pero kung magkakaroon ng tayo,

Wag mag-alala dahil di sasayangin ang ikaw at ako.

EHERM... Para sa mga may crush ngayong Valentine's Day. Hope you can relate. Maramdaman niyo sana ang naramdaman ko nung sinusulat ko 'to. Lovelots ;*

Poems By Yours TrulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon