Poem #12

4 0 0
                                    

Kababata

(Original Date Written: 02/20/18)

I

Hindi ko alam kung paano sisimulan,

Ang istoryang tayo mismo ang tauhan,

Dahil iniisip ko pa lang,

Kinikilig na akong tuluyan.

II

Matagal ng magkakilala,

Nag-uusap at magkasama.

Masayang nagkukulitan,

Sa tuwing tayo'y nagkikita.

III

Ngunit di maiiwasan,

Tayong dalawa'y magkahiwalay,

At ang ating mga pinagdaanan ng hiwalay,

Lumawak at lumalim ng tunay.

IV

Pero parang tadhana'y nakaayon,

At pinagtagpo uli ng panahon.

Muling nagkalapit,

Nang walang sinong pumipilit.

V

Alam mo ba ng Makita kang muli,

Bumalik ang nararamdaman uli?

Nararamdaman nung unang nagkita,

Na akala ko ngayon ay nawala.

VI

Hindi ko alam kung paano ipagtatapat sa'yo,

Ang aking nararamdamang totoo,

Kung kaya't aking itinago,

At nagpanggap ng todo.

VII

Akala ko, ako lang ang may gusto.

Akala ko, ang lahat ay ilusyon ko.

Akala ko, may iba kang tipo.

Pero puro mali ang mga ito.

VIII

Dahil nung nagtapat ako sa'yo,

Ang eksaktong sinabi mo,

"Akala ko, ako lang ang nakakaramdam nito,

Pero parehas pala tayo."

IX

At ngayong naglalakad ako papunta sa'yo,

Unti-unting bumalik sa'kin kung paano naging tayo.

Mula simula hanggang dulo,

Pati pag-aaway na muntik ng umabot sa gulo.

X

Ngunit ang tadhana'y sadyang nakatutuwa,

Dahil umabot tayo sa dulo ng matibay at magkasama.

Ngayong tayo'y may mga anak at apo na,

Ang pag-ibig mong tapat at totoo, hindi pa rin nawawala.

Nakuha ko lang ang ideyang ito sa isa sa mga kaibigan ko and I hope sana maging masaya siya :) Yun lang. Hope you can relate! Lovelots ;*

Poems By Yours TrulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon