Poem #5

10 0 0
                                    

Sinayang Mo

(Original date written: 10/29/17)

I

Naaalala ko pa nung tayo pang dalawa,
Masaya't kuntento sa isa't isa.
Pero walang permanente sa mundong ito,
Nagsawa ka na sakin, sa tayo.

II

Alam mo bang dahil sa ginawa mo'y nagkulong ako?
Umiyak araw-gabi sa kwarto dahil sayo.
Puyat na lang gabi-gabi,
At walang ganang kumain lagi.

III

Oo, aaminin kong nagalit ako sayo,
Pero napagtanto kong hindi lang ikaw ang may kasalanan dito,
Kaya pinilit kong ibalik ang dating ako,
Sa tulong ng mga kaibigan ko.

IV

At ngayong nagkita na ulit tayo,
Gusto kong malaman mo,
Na ang dating sinayang at winasak mo,
Ngayo'y masaya na sa iba at buong-buo.

Poems By Yours TrulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon