Sandalan
(Original Date Written: 09/25/18)
I
Lagi kang nakangiti,
Ngiting nagbibigay ng liwanag,
Ngiting bumubuo ng araw ko,
Ngiting nagbibigay ng pag-asa,
At ngiting hinahanap ko sa tuwina.
II
Hindi nawala ang ngiti sa'yong magandang mukha,
Hindi ka sumisimangot sa bawat sinasabi nila,
Hindi ka umiyak sa bawat pambu-bully na ginagawa,
Bagkus, sinusuklian mo sila ng kabutihan,
Sinusuklian mo sila ng mabuting pakikitungo.
III
Ni minsan ay hindi ko nakitang nahihirapan ka,
Na iniinda mo ang bawat pang-aapi sa'yo,
Na dinadamdam mo ang bawat masasakit na salita,
Ang tanging nakikita ko lang sa mukha mo,
Ay ang bawat ngiti at masasayang kislap sa'yong mga mata.
IV
Pero ngayo'y saan ko na mahahanap
Mga ngiting kumukumpleto sa bawat araw?
Nawala na ang siya mismong nagbibigay,
Tinapos mo na ang iyong buhay,
Tinapos sa isang iglap lang.
V
Ngayo'y sabihin ninyo sa akin,
Sabihin kung paano makakaahon dito,
Kung ang tanging sinasandalan ko lamang,
Nauna na mismo sa kung saan ako dapat noon pa man ay naroroon,
Ang aking kaibigan at kanyang mga ngiti.
BINABASA MO ANG
Poems By Yours Truly
PoesíaMga tula galing sa malikot kong isipan mehehehe. Ang iba ay mga karanasan ko mismo at naramdaman o nararamdaman. Ang iba naman ay galing lang sa mga naoobserbahan, nababasa, at napapanood. Enjoy! Puro tagalog lang po, ang hina ko po kasi pag-english...