Poem #6

10 0 0
                                    


Kailan Kaya?

(Original date written: 10/31/17)


I

Dati tinatanong ko ang sarili ko,
" Kailan mo kaya ako mapapansin?",
"Kailan kaya babalik sa akin ang nararamdaman ko?",
Kailan nga kaya, kailan.

II

Lumipas ang linggo, buwan, at taon,
Naghintay na iyong mapansin,
Nagpakitang-gilas para iyong makita,
Pero lahat ng ito'y walang kwenta.

III

Hanggang sa ako'y napagod na,
Dahil parang ika'y may gustong iba.
Pinilit kong kalimutan ka,
Pero hindi ako sinusunod ng puso kong tanga.

IV

At ngayon ay tinatanong ko ang sarili ko ng, "Kailan kaya?",
"Kailan kaya na ang aking nararamdaman para syo ay mawala?",
"Kailan kaya kita makakalimutan?",
Kailan nga kaya, kailan.

Poems By Yours TrulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon