Poem #14

3 0 0
                                    

Crestfallen

(Original Date Written: 09/19/18)


I

Tulala sa kung saan,

Iniisip ka na naman.

Bakit ba iniwang luhaan,

Gayong totoo naman ang nararamdaman?


II

Nagsimula sa wala,

Hanggang sa puso'y umasa,

'Pagkat iyong pinaasa,

At sinabing may pag-asa.


III

Nagkaroon ng tayo,

Ng ikaw at ako,

At sa bawat araw na lumilipas,

Pagmamahal sayo'y hindi kumukupas.


IV

Nararamdaman ay lumalalim,

At sa isa't isa'y walang itinatagong lihim.

Naging makabuluhan ulit ang buhay ko,

At 'yon ay dahil sa'yo.


V

Naging masaya naman tayo,

Laging nakangiti at tumatawa,

Kaya't ako'y nagtataka,

Kung bakit umabot sa ganito.


VI

Nag-iisang muli,

At lungkot ang pumalit,

Sa sayang nadama,

Noong tayo pang dalawa.

Poems By Yours TrulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon