Xiara's POV
Nandito kami ngayong lahat sa headquarter namin sa Arena. Natapos na ang pagsalakay sa iba't-ibang gangs. Nagtipon kaming mga leaders sa table. Inilatag ko ang dalawang medallion na nakuha ko. Rank 3 at Rank 10. Ako ang naglead sa grupo ni Mark dahil kasama niya si Black ngayon.
Inilabas rin ni Sean ang dalawang medallion na nakuha niya na mula sa Rank 4 at 5. Pati rin si JP. Tig-iisa na sila dahil yun ang naiatas sa kanila. May ilang mga nasugatan sa aming mga underling pero walang namatay.
May mga gangs na sumuko dahil ayaw nilang mamatay. May ibang pinapahalagahan nila ang kanilang mga kagrupo. Tumingi ako sa kanila Sean. Mukhang hindi sila kontento sa kanilang ginawa. They all have bored look in their faces.
"You may all go. Be alert and contact us if you have infos. about the nightmares or the dark crescent" saad ko sa mga taong nanonood sa amin. Nagsimula naman silang magsialisan.
Sinabi ko na lahat ng dapat nilang malaman at gawin. Ang tanging problema na lang ay kung ano ba talaga ang pinaplano ng aming mga kalaban.
Umupo ako sa table kung saan nag-uusap-usap sila. Nakahalumbaba akong nag-iisip kung ano ba ang gagawin. Nakakaramdam ako ng kaba dahil may posibilidad na kahit ano ang pwedeng mangyari sa amin pero at the same time nakakaramdam rin ako ng excitement dahil sa mystery na aming hinahalungkat.
"So ano na ang gagawin natin?" JP. Halatang naiinip na siya.
"Hintayin na lang natin si Black. We'll wait for her orders" sagot ko sa kanya. Napatingin nama kami sa pintuan dahil biglang bumukas ito. Pumasok si Mark na may di maipintang mukha. Dumiretso siya sa kabilang room.
"Okey what was that?" Sean. Nagsitinginan kami.
"Baka may nangyari sa kanila." Saad ni PJ na parang may inaalala. Tumayo kami nina Sean at JP at pumunta kami kay Mark.
Nadatnan namin siyang nakahiga sa sofa at nakatakip ang kanyang braso sa kanyang mukha. Hindi ganito si Mark. Mukhang may nangyari nga.
Umupo kami sa kabilang sofa. Alam kong narinig niya kami pero hindi niya kami iniimikan. I cleared my throat.
"So anong nangyare?" taas kilay kong tanong sa kanya at humalukipkip. Ibinaba niya ang kanyang mga kamay at tinignan ako, blankly.
Umupo siya at nagbuntong hininga. "Sorry I have no right to tell it to you."
"What?" nagtataka naming tanong sa kanya. Something did happened.
"Okey. Kahit wag mong totally na sabihin. Is it good or bad?" naguguluhang tanong ni JP. Umiling lang si Mark.
"It's a bad thing I think." Sagot niya at sumandal sa sofa. Tumingala siya sa kisame.
"So where is Black?" si Sean naman ang nagtanong.
"She's still there. Doing her own business" sagot niya na nakatingala parin. Kumunot ang noo ko. At ano naman yang business na yan na hindi nila masabi-sabi?
Napasandal na lang ako in frustration. Nasa magkabila ko itong dalawang mokong. Inaaliw nila ang sarili nila.
Habang nakatingin ako kay Mark na nakatingala parin pero mukhang natutulog na ata. May ideyang nagpop-up sa utak ko.
"Let's have a drag race" I shout out with enthusiasm. Tinignan nila ako with grin on there faces. Oh yeah.
Mabilis kaming tumayo at pumunta sa labas.
"Oh saan kayo pupunta" Jake.
"Sa parking lot. Drag race. Sali ka?" Sean. Nagkatinginan sina PJ at Jake.