Chapter 26: Ashton High

3.6K 107 7
                                    

Ang ganda ng school. Sa sobrang pagkahumaling ko hindi ko na pinansin ang mga tao sa paligid ko.

Ooops~~

"What the hell!?"

May nabangga akong babae na umiinom ata ng bubble tea tapos natapunan kaming dalawa.

"You bitch! Do you have any eyes?! Or sadyang tanga ka lang?!" galit siyang nakatingin sa akin.

Wala akong masabi. Kasalanan ko naman kasi eh. Ayan.. Pinagtitinginan na kami. Not the attention that I was expecting.

At dahil wala akong masabi tinitigan ko nalang siya.

"Get away from me you creep!" sigaw niya at bigla niya akong tinulak.

Aray! Yung ulo ko! Nauntog! ... Shiz ang sakit...

Tsk.. Tumayo ako. Pinagbubulungan ako ng mga tao. Naglakad nalang ako at mabilis na nagtungo sa comfort room.

Napatingin ako sa salamin. Nanlaki ang aking mata dahil sa aking repleksyon.

Muli kong tinitigan ang aking sarili.

"Woah... I look like Black in my dreams.." sa panaginip ko na ako bilang si Black.

"The cold and deadly Black.." sambit ko sa aking sarili.

Napatigil ako sa pagtitig sa aking sarili nung bigalang nagring yung bell. Ah shemz. Yung damit ko. Bili nalang muna ako ng uniform.

Nagtungo ako sa accounting office at bumili ng uniform. Nagpalit na ako at pumunta sa classroom.

Nginitian ako ng teacher nung nakita niya akong papalapit.

"Class this Scythe Dara P. Heartfilia" pagpapakilala niya sa akin.

I don't want to be rude but I just look at them straightly.

Nagtungo ako sa bakanteng upuan na nagkataon pa namang sa gitna. Pinagtitinginan nila ako pero wala akong pakialam dahil sa mga pumapasok sa isip ko.

Hindi ako nakikinig sa teacher dahil lumilipad yung utak ko. Hindi ko na ring namalayan na bell na.

Hindi ako gutom kaya naglibot-libot nalang ako. Nagpunta ako sa likuran ng school.. at ito'y kagubatan.

Ang sariwa ng hangin. Umakyat ako sa malaking puno.

"Woah.." nabighani ako sa view. Ang ganda. Napatigil ako sa pagmamasid dahil nakaramdam ako ng presensya. Humarap ako sa kanya.

"Faith?" bigla kong sambit. Nanlaki ang mata ng babae.

"A-ah.. I'm sorry. Kamukha mo kasi yung babae dun sa panaginip ko" paliwanag ko sa kanya.

"A-a n-no no. It's okay. Akala ko kasi multo ka kaya nagulat ako." mabait niyang saad.

"Ako nga pala si Lee Chae Rin. Ako ang president ng student council ng school. Ngayon lang ata kita nakita." siya.

"Ah well... Newbie kasi ako. I'm Scythe Dara P. Heartfilia" masaya ako nakipagkamay sa kanya.

"Scythe? That's a cool name. Wait. You called me Faith? And it is somewhat connected to your dream?" she asked curiously.

"Well.. When I was in a coma I created a world of my own.." I started. Tahimik naman siyang nakikinig.

"I was like the leader of a gang named Slayers and I was called Black. I had friends named Xiara, Faith and Mia."

"Huh? You were in a coma? And you created a world of your own. That's awesome." mangha niyang sabi sa akin. Haha. Yeah it's kinda cool.

Magsasalita sana ako pero biglang tumunog yung bell.

"Damn time na." inis niyang sambit.

"Well... Faith sounds awesome. You can call me Faith ^_^ and I will call you Black."

"Woah. That'll be cool. Okay Faith." ^_^. Bumaba na kami. Classmate ko pala si Faith kaso busy siya sa pagiging student council president. Pwede siyang lumabas labas sa room dahil siya ay part ng student council.

Bumalik na ako sa classroom. Ang ingay naman nila. Umupo na ako sa upuan ko. Napansin ko yung mga babae na malapit sa akin na pinagtatawanan nila ako. Hindi ko nalang sila pinansin.

Nagdrawing nalang ako pang-aliw ng aking sarili. Natabig ko yung eraser kaya nahulog. Yumuko ako at pinulot yung eraser.

Next sub namin ay P.E kaya lumabas lahat at nagpalit. Naiwan ako sa classroom dahil inaayos ko yung drawing ko.

Tumayo na ako at nagtungo sa labas. Nakaramdam ako ng kakaiba kaya nung malapit ako sa pintuan ay tumigil ako.

Biglang bumuhos ang timba ng paint mula sa taas. I knew it.

"Clever bitch." lumitaw yung babaeng nabangga ko kanina. Sa Tingin ko siya ay si Ariane.

"So Scythe huh? What kind of name is that?" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. May dalawa siyang babae na kasama at dalawang lalake sa likuran nila.

"So she's the newbie?.. Okay. Let's give her a warm welcome" naka smirk na sambit nung babaeng kasama niya na may hawak na paint gun.

I just stared at them blankly.

"I wouldn't do that if I were you"

Napatingin sila sa nagsalita. Si Faith... Na naglalakad patungo sa amin. Naka-smirk siyang nakatingin sa amin.

"Para namang may magagawa ka. You're just a student president." Ariane. Lumapit yung mga lalaking nasa likuran niya kanina sa kanya. Nagsilbi silang harang.

"Know who you're messing with." Ariane. Naglabas ng baril yung mga lalake.

Walang kibo si Faith. She just smiled evilly.

"You should tell that to yourself" Faith. Naglakad siya patungo sa mga lalake. May kinuha siya sa kanyang likuran. Pagtaas niya ng kanyang kamay may hawak na siyang baseball bat.

"Huwag kayong mag-alala.. Hindi ko kayo papatayin.. Dudurugin ko lang ang mga buto niyo" Faith said and smiled.

* * *

The Black Heart GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon