Xiara's POV
Tinututukan parin ni Black si Luke. Biglang may mga sasakyang dumating.
Nauna si PJ, sumunod si Mark tas si Jake. Oh anyare sa 3?
Lumabas sila sa kani-kanilang sasakyan. Tinignan nila ako, nagshrug ako sa kanila. Sumandal ako sa kotse ko at humalukipkip.
Lumabas na si Luke sa kanyang kotse. May pag-aalangan sa kanyang mukha at tinignan niya si Black. Gumalaw yung baril ni Black. Ngayon nakatutok na talaga sa kanya.
May mga malalakas na ingay ng sasakyan ang paparating. Napatingin ako sa entrance. May tatlong sasakyan na mabilis na papunta dito. Nag-uunahan sila.
"And..... it's a tieeeee!" announcer.
Impossible man pero -_- sabay-sabay silang pumasok. Mabilis silang lumabas sa kanikanilang sasakyan. Pero nanlaki ang kanilang mga mata nang napatingin sila kina Black.
Mabilis na pumunta sa kinaroroonan nina Luke si Jaydon.
"Hey hey hey. What's happening here?" pag-aawat niya. cool lang ang expression ni Luke habang si Black ay wala kang makikitang emosyon sa kanya. Pumagitna si Jaydon sa kanila.
"Whatever this man did. Please just forgive give" pagmamakaawa niya.
"Mind your own business. There will no longer next time for you" malamig na saad ni Black. Ibinaba niya ang kanyang baril.
"So you're not gonna kill him?" isa sa mga nanonood. It's obvious that he's provoking her.
Pero sa isang iglap nakahandusay na siya sa ground na may butas sa kanyang ulo.
"Sino pa ang may sasabihin." Walang emosyong tanong ni Black. Pumasok siya sa loob pero bago pa man siya makapasok ay nagsalita ulit siya.
"Come. Alone"
Tinignan ko si Luke dahil alam kong siya ang pinagsasabihan ni Black. Kumunot ang noo ko anong nangyari sa kanila?
Sinusundan namin ng tingin si Luke na seryosong naglalakad. Tahimik pero seryoso siyang naglakad papasok sa loob.
"Erm. So who is the winner in our race?" pagbabaling ng annnouncer. Naghiyawan na sila.
"Our winner is Xiara. She won a half million and she may do the honor to crush the losers carsss."
Napangisi ako. May 's' ang sinabi ng announcer.
"Dahil kayo ang huli at sa kasamaang palad ay sabay-sabay pa kayong tatlo. Ang mga magaganda niyong sasakyan ang masisira ngayong araw." Announcer.
Nginisian ko yung tatlo. They're faces are priceless. Ahahaha.
"Told you I will win. Say your good byes to your stupid cars" saad ko sa kanila.
"Sabi ko sayo kuya hihintayin kita dito sa finish line" natatawang sambit ni PJ sa kanyang kapatid at tinapik ang balikat neto. Mas lalo namang nainis si JP.
"Shut up or I'll crush you" inis niyang sambit.
"Tsk. Tsk. Tsk. Ganyan ang nangyayare sa mga taong mapagmayabang." Mark. Nakahalukipkip siyang nakaupo sa kanyang sasakyan.
"Tama ka kuya Mark. Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi" natatawang sabi ni Jake. Napagtritripan na yung tatlo. Eh puro salita naman kasi sila eh. Tsk.
Binigyan nila ako ng hammer.
"CRUSH! CRUSH! CRUSH!" yan ang sigaw ng mga madla. Magkakatabi na kanilang mga kotse. This cars are high class but too bad I'll need to crush them.