"Is that how you greet your father?" tanong niya at itinapon ang dalawang baril niya. May biglang sumulpot na butler sa tabi niya na may hawak na pamunas. Pinunasan niya ang kanyang kamay.
I can't believe it. He's here.
"What did I told you about the fighting huh?! May mabuti bang naidudulot sa inyo yan?!" Mom?
They're both here.
"Hindi na kayo nagbago! Palagi nala-" natigil sa pagsasalita si Mom at nanlaki ang kanyang mata then..
"OMYGOSH! IKAW NA BA ANG APO KO?" sigaw niya. Say what? Napatingin ako sa tinitignan niya.
Kanina pa ba dito si Black?
Mabilis siyang nilapitan ni Mom at niyakap na sa tingin palang ay sobrang higpit.
Black's POV
I was supposed to interfere in the fight but Kerr stoped me.
"Don't. This is their fight." seryoso siyang nakatingin sa akin. Tinignan ko sila Dad.
Hinayaan ko muna. Pinanood namin sila.
"Why are you with him?" napatingin ako sa nagsalita. It's Luke. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin kay Kerr.
Then biglang sumulpot sina Faith. Nakita niya si Kerr. Sumugod siya pero pinigilan siya ni Luke.
"I'll explain later." sambit ko sa kanila. Medyo tumahan si Faith pero dumistansiya siya sa amin.
Duguan na pareho sina Dad at Ley. I thought they were going to kill each other.
Pero nagulat na lamang kami dahil sa malakas na putok ng baril.
At nanggaling ito sa isang middle aged na lalaki. May kasama rin siyang babae na ka edad niya.
Nagulat kami nung tinawag nilang Father ang lalaki which is my grandpa siguro.
Nag-usap sila at nabigla ako nung sumigaw yung babae at mahigpit akong niyakap.
So she's my grandma.
"Mom. How'd you know that she's your grandchild?" manghang tanong ni Uncle Seb.
"Because she looks like me." simpleng sagot niya.
"So you must be Skyler's daughter. I am your grandma"
"At ba't mo alam na anak siya ni Sky?" singit ulit ni Uncle.
"Dahil sa pagmumukha niyo." hinarap sila ni grandma.
"Sa mukha mo palang Seb nakikita ko na puro business ang laman ng utak mo at mas lalo naman na sa kuya mong si Ley. Pareho kayong walang kalovelalove life." paliwanag ni grandma.
"Dudes let's get out of here they're having a family reunion." Kerr whispered.
Sumang-ayon sila sa kanya at umalis.
Nagtipon-tipon naman kami.
"So you must be Skyler's wife?" masayang sambit ni grandma kay Mom. Naiilang na tumango si mom.
"Ano ang ginawa niyo nung wala kami?" tanong ni grandpa sa magkakapatid. Sinamaan nila ng tingin si Ley.
Should I consider him as my uncle? Well yeah. Wala na akong magagawa don.
"Ang tigas talaga ng ulo mo Ley." suway ni grandpa sa kanya habang uminom ng glass ng wine. Pasulpot sulpot yung butler niya.
"At sa tingin mo kanino siya nagmana?" tanong ni grandma habang nakataas ang kilay niya kay grandpa.
"Mamaya ka na magsermon Zheyus." Grandma. Napatingin siya sa amin ni Mom.
Katabi ko sina mom and dad. Nasa iisang pahabang couch kami kaharap namin sina grandma at grandpa.
"Sorry iha kung wala kami sa kasal niyo. We were traveling around the world and then we got bored so we went outer space." masayang paliwanag ni grandma.
"Ah okay lang po. Masaya po ako dahil nakilala ko na kayo." nakangiting saad ni mom.
"Hindi po namin maiwasang labanan ang anak niyong si Ley because he always brought harm in our little daughter." mom. Sinamaan ng tingin ni grandma si Ley.
"Pati ba naman bata Ley?" hindi makapaniwalang tanong ni grandma.
"As if you don't know me" Sagot niya.
"You've killed a lot of innocent people. That's not you. The Ley I knew was selfless ang protects people who are weak." Dad.
"People change" simpleng sagot ni Ley.
Nagbuntong hininga nalang si Dad.
"I deserve to be the ruler of the organization not him." galit na sambit ni Ley.
Nagulat nalang kami nung biglang binatukan ni grandma si grandpa.
"Yang organization na yan ba ang pinag-aawayan niyo? Gusto niyo paluin ko kayo?" binigyan ng butler si grandma ng stick at itinuro sa magkakapatid.
"What? Ma I'm not part of it. Sila lang ang nag-aaway diyan" diepensa ni Uncle Seb.
"Ang tatanda niyo na isip bata parin kayo katulad ng tatay niyo!"
Naubuga ni grandpa ang wine na iniinom niya. Binigyan siya ng butler ng tissue.
"Bakit ako nalang lagi?" grandpa.
"At sino ba ang dapat kong sisihin. Napapahamak ang pamilya natin dahil sa organisasyon na yan." grandma.
"Mas magkakagulo kapag ipamigay lang natin yan. Maraming hawak ang organisasyon natin" paliwanag ni grandpa.
"And besides I didn't permanently gave Sky my place."
Nanlaki ang mata ng tatlo. Bigla akong tinignan ni grandpa.
"I was actually waiting for a grandchild" ngumiti sa akin si Grandpa.
"But Father.. She'll be more in danger" tutol ni Dad.
"That's why you'll need to protect her. She's the Heart of the organization." grandpa.
Tumayo si Grandpa at lumapit sa akin. Napatayo na rin ako.
"Tell me my grandchild. What's your name?"
"I am Scythe Dara Heartfilia"
Ngumiti si grandpa.
"I am giving my place to you. You will be the queen of our organization. My successor."