Chapter 36: Shot

3.6K 104 4
                                    

Xiara's POV

Nakaupo kami dito sa damuhan. Kasama ko si Tiffany na nakatingin sa kalawakan.

"Do you mind explaining?" sambit ko.

Tinignan niya ako at ngumiti.

"I am your big sister Kiara. I'm actullay 27 years old but I look younger than you" tumawa siya. (-_-)

"I started training when I was seven. Napalayo ako sa parents natin. Oh by the way. Magkalapit yung parents natin aa parents ni Black. Part na tayo ng organization nila noon pa."

"Sabi nila All first norn child must be trained. Malaki kasi ang organization ng Heartfiliam malawak ang kanilang nasasakupan kailangan nila ang skilled na mga tao para may tagaprotekta. Hindi lang ang organisasyon ang kailangan nilang protektahan kundi ang mga pamilya na nasasakupan nito."

"May mga kalaban ang Heartfilia sa underground organization. Ang underground organization ay ang gangster world. Ang mga gangsters ng Heartfilia ang pumoprotekta sa mga sakop nila."

"Pero dahil sa kapatid ni sir Sky na si Ley nagkaroon ng kaguluhan. Marami ang namatay. Kasama narin ang mga magulang natin. Hindi ko man lang sila nailigtas. Hindi mo pa nga ako kilala noon eh."

"Nagtago ako. Binantayan kita. Nagpanggap akong Tiffany na obsessed kay Ethan noon. Nagpakupkop ako sa isang pamilya."

"Well you should know that I'm great at acting. Everytime na binubugbog mo ako ay natutuwa ako" masaya niyang saad. Ano daw? Natutuwa siyang binubugbog ko siya?

"Kasi everytime na napapatumba mo ako alam ko na kaya mo ng protektahan ang sarili mo. Dikit ako ng dikit kay Ethan dahil sa isa siya sa pumatay sa ating mga magulang. Kating kati na ako noon na patayin siya pero hindi pwede. Sumali ako sa nightmares. Walang kaalam alam si Ethan noon sa mga kaya kong gawin. Ang tingin nya lang sa akin ay isang obsessed weak. Akala niya siya lang ang magaling na umarte tss walang wala siya sa akin."

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Kaya sobrang gaan ng pakiramdam ko nung ibinaon ko sa ulo niya ang dagger ko. Ang sarap sa pakiramdam."

I agree.

Bigla niya ulit akong niyakap. This time I hugged her back.


Sebastian's POV

Aw shit. I know I am not suited for this shit. I am badly wounded and my crazy brother is about to kill me.

Nakatutok sa akin ang kanyang baril. Nakahandusay ako sa sahig na sugatan at hinihingal.

Napapikit nalang ako at hinintay na iputok niya ang kanyang baril.

BANG!

Napamulat ako. Nabaril na ba ako na hindi ko man lang naramdaman?

Napatingin ako kay Ley. Diba dapat ako ang duguan. Binaril niya ba ang sarili niya?

"Hoy Seb ang slow mo talaga. Umalis ka na diyan mamaya mabaril ka eh."

Napatingin ako sa nagsalita.

"Buhay ka palang ugok ka!" sigaw ko at tumayo. Nginisian niya lang ako.

"Oh ba't buhay ka pa" Ley

"Kasi hindi pa ako patay" Sky

What the hell. Tumayo ako sa tabi ni Alexandara na asawa ni Sky.

"Papatayin ko muna yung copy cat ko." kunot noong sambit ni Alexandara.

Nasabi ko na ba na amasona ang asawa ni Sky? Akala ko noon tomboy yan kasi mahilig mambugbog.

Tapos na ang role ko. Manonood nalang ako. Nakita ko si Alexandara na lumapit doon sa copy cat niya. Kasama sila ni Ley kanina. Hindi ko lang napansin.

Ang haba-haba ng pangalan. Xandara nalang.

Kinuha ni Xandara ang glass ng wine sa table. Napansin ni copy cat na papalapit sa kanya si Xandara. Tumayo lang siya at tinaasan ng kilay.

"Hey bitch." Xandara sabay saboy ng glass ng wine.

"You're nothing but the second grade trying hard copy cat!" Sambit ni Xandara at binigyan niya ng back kick yung copy cat niya. Tumilapon siya sa bintana.

This is why I never married.

Nagbabarilan naman yung kambal kong kapatid.

"You're really sellfish Ley." Sky

"Yeah I already know that. Say something original" Ley.

Nagtutukan sila ng baril. Hindi nag-alinlangang ipinutok ni Ley ang kanyang baril ngunit nawalan na siya ng bala.

"You really want do kill me huh?" Sky.

"Isn't it obvious?" iritang sambit ni Ley.

Ibinato ni Sky ang kanyang baril sa tabi at hinamon si Ley.

Hmm.. Dito na makikita kung sino ang pinakamalakas. Unang sumuntok si Ley pero naiwasan ni Sky. Binigyan ni Sky ng malakas na suntok si Ley.

"You ruined everything." galit na sambit ni Sky. Ley spat blood due to the heavy punch in the face.

Sinuntok niya rin si Sky pero hindi siya natinag. Nag-iiba na ang aura ni Sky. Parang apoy na painit na painit.

Nagsuntukan sila ng nagsuntukan. Basag na pareho ang kanilang mukha. Pero kung tinitignan baka mamatay dito si Ley dahil ibang-iba na ang nasa harapan niya ngayon.

Hinihingal na si Ley pero lumalaban parin. Susuntukin niya sana sa mukha si Sky pero nasalo niya ang kamao ni Ley.

"This is for ruining my family" sinuntok ni Sky ng napakalakas si Ley. Napaatras naman si Ley.

"This is for killing us but you failed" sinuntok niya ulit si Ley.

"And this is for my daughter for making her suffer a lot" itinaas niyaang kanyang kamao at sinuntok si Ley ng lahat ng kanyang lakas.

Nagsuka ng dugo si Ley. Basag nabasag ang kanyang mukha. Tumigil na si Sky at tinignan siya.

Ngunit hindi inaasahang mabilis na sinaksak ni Ley si Sky sa tagiliran gamit ang kanyang dagger. Napaatras si Sky.

Tumayo si Ley at nginisian si Sky. Binalewala ni Sky ang natamong sugat. Ikinuyom niya ang kanyang kamao. Matalim nilang tinignan ang isa't-isa at sabay na sumugod.

.
.
.
.
.

BANG!!

May tumamang bala sa kamay ng dalawa. Nanlaki ang mata ko dahil sa taong nasa harapan namin ngayon. Hindi lang pala ako ang nagulat pati yung mga kapatid ko.

"Sa tingin niyo ba pinalaki ko kayo para magpatayan?" hinipan niya ang umusok na magkabilang baril niya.

"YOU'RE ALIVE?!" sabay-sabay naming tanong na tatlo.

The Black Heart GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon