MEETING
STEVE.
Kakatok palang sana ako sa pintuan ni Miss. Vanessa Reyes pero binuga na siya ng pintuan.. Haha! Ang pangit ng term pero kung nagkataon, siguradong pagsisisihan ko yung mangyayari. Gets niyo ba? Sorry, bahala na kayong unawain.
"Hello Mr. Lizalde, Sorry to tell this pero sa Conference room nalang natin gaganapin ang meeting. So Follow me?"
Nakuu! Mga babae talaga, paiba-iba ang iniisip. Tignan mo ngayon? pero nakapagtataka kay Miss Vanessa na akalain mo, isang bitch na President ng school? Kung pansinin kasi natin siya, parang puro pagpapaganda lang at ubod ng kaartehan yung makikita mo kaso mali.Matalino yan, siya ata ang gragraduate ngayon na Valedictorian eh. Well, yan lang ang observation ko ah kasi ako lang naman ang Proxy niya or for long.. Student Council' Vice President. Tsk!
'Asan na kaya sila Hyung? Ang awkward kasi ng atmosphere namin. Hindi naman kami ganito ni Ms. President dati ah.'
"Sorry Guys, Late na ba kami?"-Luke
"Tsk. Actually, yes. Where's the others?"-Vanessa
"Malay namin, hindi naman kami paghanapan ng nawawalang tao ah."-Cody
"Aish. Maupo na nga kayo, huwag niyo akong simulan." pagbabanta niya. Psh, problema kasi dito mabilis lang magalit kapag nagtransform sa pagiging leader eh.
After 18 minutes. Sinimulan na ni Ms. President kaso nawawala na naman si Blaze, kahit kailan talaga yung lalaking yun kung saan-saan pumupunta :3 pero himala. On time lang si Tyrone kanina, isa kasi yun sa mga nalalate lagi eh.
"WAAH! Sorry, am I late?" speaking of..
"What do you think huh,Mr. Blaze Salvador?" mataray na tanong nito
"Yoohoo! Save the best for the last miss.." Loko talaga 'to baka mamaya mabato na naman siya nito ng Pentel pen
"Sira Ulo ka talaga!" tapos batok ni Ford dito "Maupo ka na nga, baka maimbyerma na naman 'tong si Miss President sa'yo eh."
"Shut Up Klifford!"
"Ano, magbabangayan na lang ba kayo dito? Sabihin niyo na ng mas maaga para makaalis na ako. Ayokong nasasayang ang aking oras, alam niyo yan."
Jusme! Andiyan na, mukhang nanggagalaiti na si Vanessa pero anong magagawa ko? Kung patahanin ko baka sisigawan lang niya ako. Mahirap na noh, kahit ako pa ang Anak ng may-ari ng school na 'to, medyo fair naman ako.
"Let's continue... Alam niyo naman ng next month ng 13-17 ay intramurals na. Ano nang balak ninyo? Nadiscuss natin yan last meeting, don't tell me na hindi dahil sasapakin ko kayo."
Harsh much? Pagbantaan daw ba ang E12?
"Yea, yea. Napagdesisyonan namin na we can hire new members for our own clubs."-Diego
"Para na rin sa Foundation Day na dadating.." dagdag pa ni Luke
"Great. Nice Idea"
"Idea 'yan ni Steve, huwag kayo." singit ni Tyrone, psh! Akala ko mananahimik na lang 'to the whole time pero mali ako. LOL "Joke.. HAHAHA!"
Bumalik naman ako sa senses ko, at ang mga baliw.. Nakatingin sa akin, problema nila? May dumi ba ako sa mukha? Lalo na 'tong si Vanessa, akala mo nakapatay ako at ito namang si Tyrone tumatawa na..
"What do you think you're doing?"
"Ako dapat ang magtatanong niyan diba? Bakit ka nakatingin sa akin? Siguro nagwagwapuhan ka noh?" Pang-aasar ko. Haha!
"Yiieee" yan, makisali kayo
"What the heck Steve! May gana ka pang gumaganyan? At anong sabi mo, in your dreams Mr. Lizalde" Yan, high blood na. "What I mean is, bakit mo sila tinulungan sa project?" pinagsasabi nito, don't tell me. Nabuko niya kami.
"Huy Vanessa! That's just a joke. Don't take it seriously,okay?" Aahh.. So si Tyrone? Daldalito na siya ngayon? Pinapahamak niya ang grupo eh. Tsk tsk
"URGH! Whatever, You can all leave this room now. Bye~" then walkout. Problema nun? Tsk. Girls Girls Girls.. kaya ayaw kong mag-girlfriend eh, kahit ano namang gawin ko iisa lang ang bagsak ko. Ano pa ba? kundi sa babaeng anak ng business partner ni papa na hindi ko pa nakikilala. LIFE
"What are we waiting for? Party~party naa!" sigaw ni Cody, sumang-ayon naman si Blaze. Magkakasundo talaga sila ni Charlie.
"Mamaya muna yan, Girl Hunting oh?" sino pa nga ba? Edi di Tyrone, at ang napala? binatukan siya agad ni Ford pagkarinig ito "Ouch!"
"Yan kasi.. puro landi, aral muna huh?"
"Nagsalita ang walang girlfriend.." pagkukutya ko. pero bago pa siya magsalita
"Labas nalang tayo, huwag dito."
~~
SUE.
Badtrip! Ayoko na mag-aral dito. Huhu T___T Sorry, hindi pa rin ako makaget-over sa away namin nung Tyrone na yun! Bastos,rude,mayabang... Basta! Nasa kanya na ang lahat ang masamang ugali ng mga kalalakihan! AISH.
"Hi~"
"Oh? Bakit ka nandito?" bored kong tanong kay Charlie, wala eh. Masama ang mood ko ngayon, pagpasensyahan niyo na ako.
"Nandito yung car ko."
"Aahh"
"I saw what happend.."
The Ekk, so nakita niya rin? Jusko poo.. Kahihiyan, lubayan mo ako! Maawa ka sa kagandahan ko, ayokong ma-stress ng wala sa tamang panahon. Jusme! Ngayon lang nag-process sa utak ko na tumatambay pala 'tong kapre na 'to sa pinag-awayan namin ni Tyrone, tsk tsk
"Huh? Wala yuunn.." pagdedeny ko Gumana ka ngayon plith!
"Suuus! Bulok na yang ganyan. Ayaw mong umamin? Okay, sabihin ko kaya kay Ford"
HUUWAAAT!? NO CHARLIE, NO. MAAWA KA SA AKIN.
"Huy, huwag naman.. hindi ka man lang naaawa sa akin, baka kung anong gawin ni kuya uyy.."
"HAHAHA! As if naman noh, hindi ako sumbungero. Kinda? Aish. Ewan"
"K"
"You don't do that to me"
HAHAHA.. Kk, isa pala siya sa mga list na ayaw nake-'K'
"Nakita mo si kuya?" pangchachange topic ko.
"Hindi pero alam kong nasa conference room yun ngayon."
Aaahh. Oo nga pala, President siya sa Art Club, akalain mo yun? Isang kapre.. nagdradrawing, nagpapaint and etc.? HAHA! Uy, huwag niyo akong isumbong sa kanya huh? Hehe.
"What do you think of me?" seryoso yung boses niya kaya napatingin ako sa pagmumukha ng kapreng number 2 na 'to. Infairness, Gwapo. Charot!
"You're handsome." sagot ko. Lewl, may karapatan ba akong ipagkait ang katotohanan sa kanya? Haha
"Seriously? Hindi ko akalaing masasabi mo yan." nagulat p're
"Sa tingin mo, sinungaling ako? Tss."
"Hahaha! Ang saya mong kasama. ahh may request sana ako.."
Ano naman kaya yun? samahan ko siyang bumili ng ano.. pumunta sa room dahil may iniwan siya o baka naman gusto niyang turuan ko siya sa assignment namin?
"G"
"Pwede ba tayong maging magkaibigan?"
O__O Weh? Gusto niya akong maging kaibigan? pero bakit naman? Hindi naman ako yung klase ng babae na boyish or astig para mapasama sa katulad ng lalaking 'to pero sige na nga, tanggapin ang grasya. Charr!
"Sure ^__^"
BINABASA MO ANG
[HIATUS] Taken By A Bad Boy (EXO Kai FanFic)
General FictionThis story is a work of fiction. Names,characters,some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events,places of persons, living or dead is entirely coincidental. READ FOR YOU...